Lovel's POV
"Ma, mahal na mahal talaga ni Ate Bea si Ate Jho. Tignan mo oh," pinakita niya sa akin yung post ni Bea na sinagot na siya ni Jho.
Three days ago, pumunta dito si Bea, at hindi alam ni Jhoana 'yon. Ang alam daw ni Jhoana ay may flight siya. Nagpaalam siya na tatanungin na niya si Jho na maging girlfriend niya. Sa totoo lang, bilib na bilib ako sa batang 'yon. Kahit nung una ay hindi ko siya gaano tanggap dahil sa sinabi at inamin niya sa amin na intersex siya, pero dahil mahal ko ang anak ko, at pinatunayan naman niya ang sarili niya sa amin, nagawa ko na din siyang ituring na parang anak. Nakiusap din siya sa akin na itawag ko sa company na wag ipaalam kay Jho na nag-emergency leave siya. Mabuti na lang daw at may available na piloto.
"Alam mo, Janel, hanga ako sa Ate Bea mo. Alam kong nasa tamang tao na ang ate mo. Nagpaalam pa siya sa akin bago niya tanungin ang ate mo na maging girlfriend niya. Napalaki talaga siya nang mabuti ng mga Tita Det mo."
"Paano yan, Ma? Hindi ngayon, pero alam natin na darating yung time na hihingin na ni Ate Bea ang kamay ni Ate para magpakasal. Lalaki na lalo ang responsibilidad ni Ate. Mas lalo siyang hindi makakauwi dito dahil magkakaroon na siya ng sariling pamilya."
"Wala naman nang problema doon, anak. Matanda na ang ate mo. Sayang nga at nawala na ang papa mo. Alam kong masayang-masaya 'yon dahil botong-boto siya sa Ate Bea mo."
"Sa bagay po. Sana ako din makatagpo ng isang katulad ni Ate Bea. Kung hindi ako makatagpo, Ma, siguro magiging rich tita na lang ako," natatawang sabi ni Jaja.
"Siraulo ka talaga, Janel. Tara na at pumunta tayo sa papa mo."
Det's POV
Pinapunta namin dito sila Isabel dahil umuwi ang kuya niya. Hindi pa niya alam dahil sabi ni Leol, tinatawagan daw siya pero hindi sumasagot.
Masigla na ulit si Isabel, tulad ng dati. Hindi na pilit ang mga ngiti niya buhat nang pumunta siya sa lamay ni Pareng John. Hindi nagtagal, sinabi niya sa amin na nililigawan niya ulit si Jhoana, kaya masaya kami ni Elmer. Yun nga lang, wala kaming balita kung sila na ba dahil wala namang sinasabi si Isabel. Kapag pumupunta sila dito, hindi rin inaabot ng gabi dahil may pasok si Jho o kaya ay may flight si Isabel.
"Hon, malapit na daw sila Isabel. Matutuwa 'yon dahil umuwi ang kuya niya at kasama pa ang mga pamangkin niya."
"Ang hilig sa bata. Mukhang yun ang pag-aawayan nila ni Jho kung magba-baby na sila. For sure, spoiled masyado ni Isabel," Elmer said.
"Bakit kasi ayaw pa gumawa ng kanila hahaha," singit ni Loel na galing sa kitchen dahil siya ang nagprepare ng steak.
"Ay nako, kayo dalawa. Hayaan niyo yung dalawa. Ikaw, Loel, pababain mo na anak mo pati si Amara. You know, favorite niya si Amara nung wala pa si Lucas."
Natatawa silang mag-ama. Maya-maya ay may bumusina na, malamang sila Isabel 'yon at 5:30 PM na din.
"Ayan na ata yung anak mo," Elmer said.
"Mom, Dad, we're here!" Isabel shouted. Nasa dining kami kaya sabay kami ni Elmer naglakad papunta sa living room.
Bea's POV
"Baby, okay lang ba 'tong suot ko?" Jhoana said pagpasok namin.
"Yeah, baby. Perfect," I said and winked. Nakadress siya na spaghetti strap.
"Hello, Bunso! It's been a while," mom said at niyakap si Jho. Dinaanan ako?
"Bunso, kumusta na?" dad said at lumapit din kay Jho.
"Mom, Dad, ako yung anak niyo?" pabirong sabi ko. Natatawa naman sila.
"We know, but we missed Jhoana. Ngayon mo lang ulit siya isinama dito," mom said habang yakap pa rin si Jho.
"Whatever, mom. May sasabihin din pala ako mamaya," I said. Nagtinginan sila ni dad.
"Mom, Dad, tara let's eat. Baka nagugutom na si Jho. Ayaw niyo pakawalan e."
"Selosa mo talaga, Isabel. Halika nga," dad said at niyakap ako.
"Hi, lil sis/Tata Bea!" Nagulat ako, may biglang yumakap sa binti ko. Paglingon ko, si kuya hawak si Lucas na nagmimilk, at si Amara.
"Amaraaa," I said at binuhat ko siya.
"Tata Bea, I miss you," Amara said at niyakap ako ng mahigpit.
"I miss you too, baby," I said at kiniss ko siya, syempre.
"Hi, Kuys! Hi, Baby Lucas! Why didn't you tell me na uuwi ka?"
"You're not answering my call. Paano ko sasabihin?" he said habang nakangiti. Lumapit ako at niyakap siya sa gilid.
Jhoana's POV
"Gumawa na kayo," biro ni Tito Elmer. Pinapanuod namin si Bea kung paano siya sa mga pamangkin niya. Tumawa na lang ako habang naka-akbay sa akin si Tito.
"Hehe, sorry I was busy yesterday, and you're not answering too when I called back kaninang umaga," Bea said.
"Hi, Jho," kuya said at nilapitan ako at nagside hug.
"Hello, Kuya Loel. Nice to see you again," nagtawanan sila.
"Mamaya na 'yan, let's eat our dinner muna. May sasabihin din si Isabel," tita Det said. Sumunod kami kay tita, naka-akbay pa rin sa akin si Tito, at si Bea buhat-buhat si Amara.
Nilagyan ni Bea ng food yung plate ko, then tinabi pa niya si Amara sa left side niya kasi nasa right side niya ako. Nagsimula kaming kumain, nagkwentuhan sa mga ganap sa buhay.
"Isabel, ano pala yung sasabihin mo?" Dad said. Tinignan ako ni Beatriz at ngumiti ako sa kanya. Hinawakan naman niya yung kamay ko under the table.
"Mom, Dad, Kuys," Bea said. Inaantay nila Tito na magsalita siya ulit.
"We're together again. Kami na ulit ni Jho," she said. Ngiting-ngiti sila tita.
"We're so happy for both of you. Sabi ko sa'yo, Det, magkakabalikan 'to. Paano ba 'yan," Tito Elmer said.
"Congrats, Jho. May aalagaan ka na naman," Kuya Loel said.
"Kuyaaa," Beatriz said.
"Hahaha ay, Kuya, sinabi mo pa."
"Baby naman e," she said.
"Tata, why do you call her baby?" Amara said. Kaya tumingin kaming lahat sa kanila ni Beatriz.
"Oh, don't mind it, baby. One day you'll understand why. By the way, baby, this is your Tata Jho, your Tata Ninang's girlfriend—" di ko na naintindihan yung kasunod.
"Really?" Tumango si Bea. Bumaba naman si Amara tapos lumakad papunta dito sa akin.
"Hi, Tata Jho," nahihiya niyang sabi. Nakatingin sa amin buong family ni Beatriz.
"Hello, Baby Amara," I said while smiling at her.
"Can you give Tata Ninang a baby? She said Lucas will go back to the States again. I won’t have a playmate if that happens. Tata said I should tell you so I can have a playmate."
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

YOU ARE READING
Love on Board
FanfictionStrangers unexpectedly meet on a flight. Is it just a fleeting moment in the sky, or could it become a romantic relationship?