Chapter 41

451 24 11
                                    

Jho's POV

Shit, walang bathrobe, yung clothes ko nasa labas din. Bahala na.

"BEA!" I shouted, pero hindi siya sumasagot.

"BEATRIZ!" inulit ko, pero di pa din siya sumasagot. Umalis ba siya? Kainis, sabi niya sasamahan niya ako.

Sumilip na ko, pero ayun naman pala siya, nagce-cellphone pero may airpods.

"Aww," she said at tumingin sa akin at inalis airpods niya. Binato ko kasi ng tissue roll.

"Kanina pa kita tinatawag. I need you, hehe. Can you get me clothes and a towel? Wala kasi bathrobe here," I said. Ulo ko lang kita, syempre I'm naked.

"Ano tinatawa mo jan?" I said kasi tumatawa siya.

"Hahaha, nothing. Nahiya ka pa lumabas jan e, nakita ko na lahat yan," tumayo siya at kinuha yung robe, inaabot sa akin pero malayo pa siya, sis, ano.

"Beaaaa," I said.

"Isa," nilalayo niya pa lalo.

"Dalawa," she's laughing. Naiinis ako, lumabas ako ng naked at kinuha yung robe sa kamay niya. Natulala siya ng hindi oras.

"Sara mo baka pasukan ng langaw," hinawakan ko chin niya. Basa pa ko, syempre walang towel sa bathroom. Nagiwas siya ng tingin. Hahaha, wala pala 'to, tanggal angas. Sinuot ko yung robe sakin.

"La-labas na ko, Jho," nauutal na sabi niya

"San ka pupunta? Antayin mo ko, sandali lang. Kita mo, ikaw nagsabi nakita mo na lahat 'to, tapos ngayon lumabas ako tanggal angas mo," I said. Para siyang nahihiya. Hahaha, nilapitan ko ulit siya.

Akmang hahalikan ko siya pero I whispered and traced her chest down to her (oh may abs pa din )as I said, "5 minutes more." Nanigas siya e. I laughed.

"Hahaha, if you see your face," I said at tumalikod sa kanya para magbihis.

Bea's POV

"Hahaha, if you see your face," she said at tumalikod sa akin, pumunta sa walk-in closet niya. Damn it, this is torture. I miss her smell. Ang bango talaga ni Jhoana. Inantay ko siya makabihis.

"Are you comfy ba wearing your shoes?" she asked pagkalabas sa walk-in closet niya.

"Wear my slides na lang, here," she added. Nag-nod na lang ako at kinuha yung inabot niyang slides.

"Tahimik ka? Hahaha, ano, pagtripan mo pa ako ha," she said habang palabas kami ng room niya. I was about to say something pero may lumapit sa amin pag-kababa namin ng stairs.

"Ah Jho, una na ko don," I said. Si Doc Anton yung lumapit sa amin.

"Bea, wait," hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit. Nakatingin naman don si Doc Anton. After 5 years, magkahawak ulit yung kamay namin ni Jho. I look at her, by the way, gabi na.

"Dito ka lang. Yes, Doc Anton?"

"Ah, Doc Jhoana, nakikiramay ako. If you need anything, just inform. Mauna na ko, Bea," tinanguan niya ako at umalis siya. Saan galing yon? Bat nakarating dito?

"That's your ex, 'di ba?" I said pagkakaalis niya.

"Sira, hindi ko siya ex. Hindi naging kami," she said at hinila na ako kung saan yung pwesto ni Tito John.

Nakita ko na si Tita Lovel. Kaninang umaga nung dumating ako dito, ay wala siya kaya nag-bless ako sa kanya. Niyakap niya ako.

"Everything will be okay, Tita," I rubbed her back kasi she is sobbing.

"Ja, pahinga ka na. Ako na bahala kay Tita at Ate mo," I had enough rest naman kanina. Nakatulog pala ako sa tabi ni Jho.

"Okay pa naman ako, Ate Bei. Dito muna ako," she said. Nag-nod na lang ako at tumabi kay Tita, pinagitnaan nila ako ni Jho.

Maraming dumadating, business partners and mga kaibigan ni Tito. Yung iba ay kilala ako, they think kami pa rin ni Jho.

"Hindi ka pa ba uuwi? Kaya ko naman na, nakapagpahinga na ko kanina."

"Later na lang, mga 1:00 PM. May pupuntahan ako ng 5:00 PM, but I'll be back here din after. Hindi na din iba sa akin si Tito." Tumango siya.

"Sige. Puntahan ko lang sila Ate Ella."

Almost 6:00 AM na. Dumating na sila Jia, dito na daw sila dumiretso after shift nila. Nagpahinga na din sila Tita si Jaja. Pinagpapahinga ko din si Jho pero ayaw niya.

"Okay," I said as I smiled. Pagkaalis ni Jho, kinuha ko yung phone, nagbrowse ako. Instagram feed ko. I saw our pictures, napangiti na lang ako.

Ella's POV

"Jan nga kayo, puntahan ko lang si Bea, walang kasama don," Jho said.

"Sus, tama ka na. Quota ka na, binuhat ka na pa punta sa room mo kahapon, tapos hanggang ngayon gusto mo pa din tabihan," I said.

"Sabik, Ate Ells, ikaw talaga," gatong ni Jia, sabay tawa.

"Oa niyo, edi ikaw pumunta," she said.

"Oh, talaga? Wait, Jia, teka wag," kinuha ko yung kape na tinimpla niya. Hahaha.

"Sakin yan, Ate Ells. May hawak ka na, oh."

"Timpla ka na lang bago. Kay Bea na lang 'to," I said at iniwan sa kanya.

Lumapit ako kay Bea, nagce-cellphone lang siya. Naramdaman niya siguro na may tao sa harap niya.

"Hi, Doc Ella, ikaw pala. Upo ka," she said, medyo nagulat pa.

"Coffee?" Ngumiti siya at tinanggap yung coffee.

"Thank you, Doc Ella," tinaas yung coffee. I chuckled.

"Napaka formal naman, parang hindi magkaibigan," I said. Then she chuckled.

"Kumusta ka na, Bei?"

"Walang bago, piloto pa din naman, Ate Ells. Hahaha."

"Alam mo, ang sarap niyo talaga paguntugin ng ex mong hilaw."

"What does 'ex mong hilaw' mean?" nagtatakang tanong niya. Hahaha.

"Don't mind it. So how are you nga?" Nagkamot siya ng ulo.

"Okay naman, Ate Ella. Halos naikot ko na buong mundo. I'm happy," she said.

"So may asawa ka na?" Umiling siya.

"But I'm seeing someone," she said while smiling. Ops, kawawa naman si Jho. Tumango lang ako.

"So it means hindi pa kayo?" I asked. Umiling siya.

"Hindi ko naman din nililigawan." Ay, may chance pa ang JhoBea heart ko. Omg.

"E bakit hindi?"

"I don't know. Gonna pick her up later," she said.

"Saan mo naman nakilala?"

"Sa airport? Yeah, sa airport. I helped her, nalaglag yung phone niya," tumango ako ulit.

"E ikaw, kayo pa ba ni Jema? Yung secretary ni Jho, right?"

"Hmm, yes/no? Ewan, magulo. She's with Doc Deanna. Hahaha, basta ewan."

"Hahaha, mahina ka kasi e, ayaw mo ibakuran ng maayos."

"Sus, katulad ng ginawa mo kay Jho?" Napailing siya at huminga ng malalim.

"Talk to her. Alam kong meron pa. She's waiting for you."

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Love on BoardWhere stories live. Discover now