Chapter 30

617 27 29
                                    

Jhoana's POV

Tinitignan ko sila Papa dito sa balcony. Ang seryoso nila masyado ni Bea. Itong si Bea naman, inom lang ng inom sa sinasalin ni Papa na alak sa baso niya. Napapailing na lang ako. Alam ni Papa na ayoko umiinom siya tapos ayan, dinamay pa si Bea. E dito siya matutulog sa room ko. Kainis.

Namumula si Bea, itong si Papa talaga. Para akong nagbabantay ng dalawang bata dito sa taas. Tumayo si Papa at tinapik ang balikat ni Bea. Naiwan si Bea mag-isa doon, siya namang labas ni Mama. Nag-usap lang sila sandali at umalis na din si Bea. Baka papasok na dito kaya pumasok na din ako. Naabutan ako ni Bea na nakatayo.

"Why are you still awake, Doc?" she said. Inirapan ko lang siya at mahihiga na sana ako sa bed nang lumapit siya sakin.

"Sorry, tita told me na you don't like the smell of alcohol. But nakakahiya tumanggi kay tito," she said habang naka-backhug sakin, halatang tipsy siya.

"Maglinis ka nga don. Alam mo na pala na ayaw ko sa amoy ng alak, yakap ka pa ng yakap," I said.

"Can I do that tomorrow? Hehe, my head is spinning," sagot niya.

"O sige, dun ka sa couch," I said. Tumingin siya sa couch.

"I'm not fit there. It's too small for me," reklamo niya.

"Mamili ka, take a bath or couch," inaalis ko yakap niya pero ayaw pa din.

"Bea, nakakainis ka," sabi ko habang hinahalikan ako sa leeg.

"Maglinis ka na, tara na," hinila ko siya sa loob ng CR. Ayaw mo ayusin, ah sige, tinulak ko siya at binuksan yung shower without heater.

"What the f*ck, it's cold," edi gising na gising siya ngayon.

"Make it fast, Beatriz. I'm sleepy," nakatingin siya sakin. Bigla niya akong hinala sa loob ng shower.

"Bea, malamig. Ano ba, kakatapos ko lang mag-shower, oh," I said but she just chuckled.

Niyakap niya pa ko ng mahigpit. Wala na, basa na din ako. Inis.

"I love you, baby," at bigla niya akong hinalikan. The urge to respond, nalalasahan ko yung alak, then she stopped.

"Thank you, Jho. I know nakainom ako but everything I'm doing and saying right now is clear to me. I promise I'll do my best to make you happy, and give everything for you. Only for you," she said, and she was teary-eyed.

Hinaplos ko ang mukha niya at ngumiti. "I believe you, Bea. Let's take it one step at a time, okay? Tara na, tapusin na natin ito para makapagpahinga ka na."

Nag-ayos na kami, at pagkatapos ay pumasok na sa kwarto. Nakatulog si Bea sa tabi ko, at habang tinitignan ko siya, naisip ko na I'm ready, once she asks my yes to be her girl.

Kinabukasan, maagang ako nagising iniwan ko siya na mahimbing ang tulog. Bumaba ako to check something at bumalik agad sa room. Pagbalik ko ay nakita ko siya sa balcony, tinitignan ang labas. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod.

"Good morning," sabi ko.

"Good morning, baby," sagot niya habang humarap siya sa akin at ngumiti. "Sorry about last night. I hope hindi kita masyadong nainis."

"Hindi naman," sabi ko. "Actually, I'm glad you were honest with me."

Tumitig siya sa akin, tila nag-iisip ng malalim. "Jho, can I ask you something?"

"Anything," sagot ko.

"I know masyadong mabilis and this is not my plan but andito na din tayo." Huminga siya ng malalalim.

"Will you be my girlfriend?" she asked, her eyes full of hope and love.

Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang mukha. "Yes, Bea. I'll be your girlfriend."

"Yes? YES," she shouted

"Bea hahaha madinig ka sa labas nila mama," she just hug me at binuhat ako

"I love you baby, once we go back sa manila babawi ako" she said

"I love you too, Baby," then she kiss me

Nagyakap kami nang mahigpit, at sa sandaling iyon, alam kong tama ang desisyon ko. Mahal ko siya, at handa akong harapin ang lahat ng kasama siya.

Naputol yung hug namin kasi may kumatok and biglang bumukas yung door.

"Ay, good morning! Ang agang bebe time, wala naman label, pero pinapatawag na kayo ni mama. Kain na daw breakfast," Jaja said.

"Haha, hindi ka sure, Ja," Bea said, habang nakatingin lang ako kay Jaja.

"Kayo na, ate?" she asked me. I nodded.

"OMG, sa wakas ate, hindi ka na tatandang dalaga," she shouted.

"Thank you, Ja, ha. Sige, wala ka pala allowance galing sakin," I said. Bea chuckled.

"Uy, ate, di ka mabiro. Bagay na bagay kayo ni bayaw, di ba, bayaw? Ang ganda-ganda ng ate ko, di ba?" inirap ko lang siya.

"Sige na, Ja, sunod kami ng ate mo. Ako na bahala sa allowance mo," si Bea na sumagot.

"Sige, bayaw, hahaha. Pasensya ka na sa ate kong maitim," Jaja said, then agad niya clinose yung door. Tumingin sakin si Bea, inirapan ko din siya. Kay Jaja pa kumampi, ha.

"Let's go," I said. Hindi naman ako galit, medyo nagugutom na din talaga ako.

"Wait," she said.

"Ouch, hahaha," she said. Hinalikan nanaman ako.

"Ikaw, nakakarami ka na. Tara na, nagugutom na ako. Tagal mo kasi gumising," I said.

"Hahaha, edi gumanti ka," she said. Inirapan ko nga saka naglakad palayo sa kanya.

"Baby," tinatawag niya ako pero di ko pinansin. Nakasunod lang siya sakin hanggang dining.

"Good morning, Ma, Pa."

"Oh, bakit salubong kilay mo, Jhoana? Sabi ni Jaja magkayakap pa kayo ni Bea, at may kinukwento siya kayo na daw," Mama said. Hindi ko pinansin, umupo ako.

"Nako, patay! Wala pa ata 24 hours galit agad," Jaja said. Nakita ko si Bea napakamot nalang sa batok niya.

"Bea, yung pinag-usapan natin kagabi," Papa said kaya tumingin ako kay Bea. Ngumiti siya sakin.

"Makakaasa po kayo, Tito," she said. Ano nanaman pinag-usapan nila?

"Samin nalang yon, anak. Alam kong iniisip mo ano pinag-usapan namin. Samin nalang ng manugang ko yon," manugang bilis ah.

"Wow ha, Papa, kakasagot ko lang jan, nakuha ka naman agad sa alak." Nadinig ko si Bea tumatawa habang nakatayo pa.

"Umupo ka na nga," I said.

"Ay, under." Bulong ni Jaja pero dinig ng lahat

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Love on BoardWhere stories live. Discover now