A Week Later
Jia's POV
May kakaiba akong napapansin e, hindi ko alam kung tamang hinala lang ako. Hindi ko naman magulo si Ate Ella kasi isa pa siyang problemado sa lovelife niya.
Yung ibang friends naman namin, hindi namin nakikita kasi sila Jho lang yung nagpumilit pumasok dito sa hospital ni Papa. Hindi ko pwede ikwento yung mga napapansin ko sa kanila.
"Babe, kanina ka pa tulala jan, malamig na yang pizza mo, ang lalim ng iniisip mo," Miguel said.
"Hay nako, wala 'to. Hindi lang ako sanay na MIA yung dalawa. Si Ate Ella, alam ko na ang reason bakit nagkakaganon. Si Jho naman, ewan ko ba, lately nalelate na siya tapos latang-lata madalas—wait, tumatawag si Bea." Sinagot ko yung tawag niya at ni-loudspeaker ko para marinig na din ni Miguel.
"Hello, Ju. Kumusta? Are you busy? Sorry if I called late."
"Hi, Bei. Parang ako dapat ang nagtatanong nyan? Ayos lang, wala naman akong ginagawa. Where's Jho?"
"Huh? What do you mean? Hmm, it's about Jho, that's why I called."
"Wala, nevermind. Ayos lang ako. What about Jho?" Nadinig kong huminga siya ng malalim.
"I need your help kasi. Ayaw ko naman ibother si Ate Ella; you know, tingin ko di pa din siya okay."
"Uhmm, help about saan ba?"
"I'm gonna propose to Jhoana—"
"What? Omg!—but parang ang biglaan naman nyan."
"Wait, wait, patapusin mo muna ako."
"Okay, okay, magpopropose ka kay Jho? Tapos? Grabe ka, unahan niyo pa kami magpakasal ni Miguel."
"Hahaha, I'm sorry, bagal niyo e. Okay, two days to go, the proposal will happen. Everything is set."
"Oh, everything is set naman na pala, so anong tulong pa ang kailangan mo?"
"Simple lang, ayain niyo siya na a-attend kayo ng something. Basta ikaw na mag-isip kung ano, para lang hindi niya ako hanapin. Wait, Jho's finished doing her night ritual. Basta I'll send my plan to you. Andoon din yung mga list ng event organizer—"
"BEATRIZ—" Hindi na napatay ni Bea yung call kaya nadinig kong sumigaw si Jho. Oh, world war! Pinatay ko agad yung call, nandito si Miguel sa tabi ko. Nakakahiya, hahaha!
"Hahaha, sweet nila ah. Lagi nagbabangayan. Mukhang takot na takot si Bei kay Jho."
"Hay nako, sinabi mo pa. Tara na nga sa room, late na." Hinawakan ni Miguel kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Naiinip ka na ba?" Sinara niya yung box ng pizza sa table
"Saan?" Takang tanong ko.
"You know, kasal thingy?"
"Hay nako, Migz, I know dadating na tayo jan. Sabi ko naman sayo, hindi naman tayo nagmamadali. Basta, I'm open naman about that. We need to plan it, gusto kong stable tayo kapag may baby na din." Hinalikan niya ako sa noo.
Bea's POV
"SAAN KA BA GALING? ANG BAHO-BAHO MO!" Jho shouted. Pagpasok ko galing veranda. Ang init ng ulo ng buntis na 'to. Kung hindi lang 'to buntis, jusko.
"What? Wala naman akong pinuntahan, kakaligo ko lang, diba?" I said, lumapit ako sa kanya.
"Wag ka tatabi sa akin, ang baho mo."
"Wag naman ganyan, love. I'm gonna hubad nalang, baka sa fabcon ka nababahuan. Wala naman akong pinuntahan e," I said habang nagpapacute. Siya naman nagcecellphone kaya hindi ako pinagtuunan ng pansin.
Hinubad ko yung sando ko, sports bra nalang natira, and boxers. Tumabi ako sa kanya, hindi na siya nagreklamo na mabaho ako.
"Ano, mabaho pa din ba?" Umiling siya kaya tumabi na ako ng husto sa kanya. Nagcecellphone lang siya, scroll-scroll sa socmed niya. Pinapanuod ko lang din siya. Siguro napagod na kakacellphone, binaba na niya yung phone niya. Yung abs ko naman ang pinaglaruan, tinetrace niya.
"Sleep ka na, late na," I said. Siniksik niya yung mukha niya sa neck ko and she planted small wet kisses doon.
"Heyyy, I said sleep ka na, late na. Baka maka-sama sa inyo ni baby." Though weekend naman, sinundo ko siya kanina sa hospital. Bawas na ang mga workload niya, pati sa office. Then si Tita na muna dun sa airline, pero ako humahawak for the meantime. But utang na loob, 1:30 AM na, gising pa din siya. Sunday pa naman yung proposal pero jusko, Jhoana Louisse.
Tinaas niya ulo niya at tumingin sakin. "Hindi pa ako inaantok. Ikaw, sleep ka na, basta dito lang ako," baby talk siya tapos sumiksik nanaman siya sa leeg ko.
About sa pagbubuntis niya, family palang nakakaalam. Wala pang alam mga kaibigan namin. Iniisip ko na after proposal, saka ko ia-announce na magiging dada na ako. Double celebration, hehe. Confident na magyeyes siya. Bawal ang negative thoughts.
Hindi ako natulog hanggang hindi pa nakakatulog si Jho. Yakap ko lang siya. Hindi nagtagal, napansin kong she was snoring pero mahina lang. Haha, cute. Feeling ko napagod siya today. Kinuha ko yung phone ko para isend kay Jia yung plan list for my surprise tomorrow. Almost 3 AM na din.
Hi, Ju. Sorry, it's super late. Kakatulog lang kasi ni Jhoana. By the way, I just emailed the plan list for tomorrow para aware ka sa flow din. Ikaw na bahala sa mag-ina ko. Call Maki if you need something. Andyan din phone number niya, nasabihan ko na din siya na you might call her. She helped me kasi mag-ayos nyan. Don't worry, ako bahala sayo after. Thank you, Ju.
After that, binura ko muna lahat ng files and messages about my proposal and binaba ko yung phone ko kasi gumalaw si Jho. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya I rubbed her back and natulog na din ako.
Jhoana's POV
Nagising ako and I'm craving for something, hindi ko alam kung ano. I checked my phone kung anong oras na and 3:30 AM pa lang pala. Bea is asleep, she's so cute. I kissed her paulit-ulit para magising siya.
"Hmm, baby, sleep. It's too early." Hindi siya dumilat, natulog ulit kaya pinaglaruan ko nalang mukha niya.
"Jho, stop, I'm sleepy," halatang antok sa voice niya. Hinila niya ako at niyakap, so ang naging pwesto, nasa top niya ako ngayon.
"Nararamdaman mo naman siguro yung buddy ko down there, gising. Baka kapag hindi mo ako pinatulog, kung ano gawin nyan sayo," she said while nakapikit pero nakangiti.
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
YOU ARE READING
Love on Board
FanfictionStrangers unexpectedly meet on a flight. Is it just a fleeting moment in the sky, or could it become a romantic relationship?