Aeyza's POV
"Get ready with me para mag paganda sa mga taga arki studen—HINDI KA GAGANON!!" Kausap ni Mekkah ang camera.
Nasa guesthouse kami ng apat na Dark Owls at pareho kaming nasa living area ni Mekkah at Jandara.
"This is my foundation from Luxe Couture...nabili ko 'to for 15k—HINDI GANON!!"
Napa-iling na lang ako sa pinagsasabi niya. Nakabaligtad akong naka-upo sa sofa habang siya ay nasa tabi ko lang din at nag vi-video ng sarili.
Si Jandarra naman ay nagbabasa ng libro at nasa tabi lang din namin.
"Ang OA sa 15k! Pag sinuot ko kasi 'to magiging kamukha ko na si Marian Rivera—HINDI!!" muli niyang sabi sa camera. "900 lang 'tong foundation sa luxe Courture, bilhin niyo na gew!!"
Kaming tatlo lang ang naandito sa living area dahil nasa labas sila Drake maliban kila Ayesha at Kenneth na nasa kwarto.
"Hala!!!" Napatingin ako kay Mekkah ng bigla siyang sumigaw. "Hala nanonood si Dylan!!"
Si Dylan?
Napatingin ako sa cellphone niya at napansin kong medyo nakikita pala ang kalhati ng mukha ko sa camera. Iniwas ko lang ang tingin sa camera at bumalik sa pagtitig sa kisame.
"Hello, Dylan!!! Good morning!! Hihi.." kinikilig niyang sabi. "Ha? Hello, Myka!! Ha? Sino? Itong katabi ko?" Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag tingin sakin ni Mekkah bago muling ibalik sa camera ang tingin at nag salita. "Ahh! Si Aeyza yan!! Hayaan niyo yan siya at iniisip niya lang si Darius—HINDI!!"
Kunot-noo kong nilingon si Mekkah. Anong iniisip si Darius? Tss, pake ko doon? Dahil sa kaniya kaya kami nag-away ni Dylan!
Nag spread din kasi ang nangyari kay Darius at nasa Hospital siya ngayon. Till now ay walang nakakaalam sa kung anong nangyari at kung sino ang nanakit sa kaniya maliban siyempre kila Kenneth.
They have to ensure the students safety at ang mga unang lumapit kay Darius para tulungan siya kanina ay ang mga Dark Owl members.
Oo nga pala, kapag sinabi kong APAT NA DARK OWLS sila Kenneth, Marjun, Drake at Thirdy yon.
Kapag Dark Owl members, mga miyembro ng Dark Owl Group yon.
Nakakatamad kasing isa-isahin pangalan nila Kenneth, tss.
(//>Yung author talaga yung tinatamad<\\)
"Hala!! Nag left na si Dylan?? San ka na?" Nakangusong tanong ni Mekkah. "Halaa!! Nawala na siya.."
Bumuntong hininga ako at umayos ng upo para tumayo. Medyo nahilo pa nga ako pagkatayo ko eh.
"Labas lang ako." Kay Jandarra ako nagsabi at nakangiti naamn siyang tumango.
Lumabas ako ng guesthouse at pinatunog ang leeg ko. Nag stretching din ako para bumuhay ang buong katawan ko.

YOU ARE READING
Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)
Romance"Falling in love with me is the dumbest idea, Dylan." Everyone perceives Aeyza as cold, and for her, the concept of love is nothing but foolishness. Until she crosses paths with Dylan. Si Dylan na kaaway niya at hindi kasundo, si Dylan na hindi siya...