34: lost

5 1 0
                                    

Aeyza's POV

Bago pa ako mahuli nila Dylan at Mhegan na nakiki-chika sa kanila ay umalis na ako. Tarantadong Dylan 'yon!! Pinaiyak si Mhegan ta's dinamay pa ako!!

Kaya galaiting galaiti sakin si Mhegan, eh!!

"Saan ka pumunta?" Sinalubong agad ako ni Ayesha ng makabalik ako.

"Naghanap ng pagta-taehan." Barumbado kong sagot bago siya lagpasan. Gusto ko agad umalis dito!! Ayokong makasalubong si Dylan o si Mhegan!

"Bagra mo, teh!" Sigaw niya sakin pero hindi ko siya pinansin.

"Nasan si Jandarra at Mekkah?" Tanong ko ng hindi ko sila makita.

"Pumunta sila don, eh.." tinuro ni Kiahhnne ang left pathway. "Let's find them."

Hindi na ako nag salita pa at sumunod na lang sa kanilang tatlo.

"You bitch!!" Napalingon ako sa nagsalita at nagulat ng biglang may humila sa buhok ko!

"Cunt!!" Muli nitong sigaw habang hila-hila ang buhok ko!

"Aeyza!!" Dinig Kong sigaw nila Ayesha at naramdaman kong nakapalibot na sila sakin.

"Walang hiya ka!!" Mulig sigaw sakin ni Mhegan at lalong humigpit ang paghila niya sa buhok ko.

Napapikit na lang ako sa sakit habang hawak-hawak din ang kamay niya para pigilan siya.

Ayokong saktan si Mhegan dahil baka ma-comatose siya sa oras na mahawakan ko siya.

"Bitiwan mo ang kambal ko, punyeta ka!!!" Malakas na sigaw ni Ayesha at bigla na lang natanggal ang pagkakasabunot sakin ni Mhegan.

"Oh my god!!" Bulalas ni Kiahhnne.

"Napindot na si Anger!" Sabi naman ni Darrah habang hawak-hawak ako sa balikat ko.

Inalog ko muna ang ulo ko bago ko tignan ang paligid. Hinanap ko si Mhegan at nagulat dahil napahandusay siya sa sahig habang dumudugo ang labi!

"Pasalamat ka at ako ang sumapak sayo at hindi si Aeyza!!!" Sigaw ulit ni Ayesha sa kaniya.

"You wench!!" Tumayo si Mhegan para si Ayesha naman ang hablutin pero dumating bigla si Dylan at nahawakan siya. "Ano ba?!! Get off!!"

"Mhegan!" Anas ni Dylan.

"Paalisin mo na nga 'yang babae na 'yan, Dylan!!" Malditang sabi ni Ayesha sa kaniya. "Exorcist na 'ata need niyan, eh!! Hmp!!" Tinalikudan sila ni Ayesha at hinigit ako.

"Nakatapat mo ngayon ang reyna ng kasamaan?" Sarcastic na sabi ni Darrah kay Mhegan bago sumunod samin.

Nang medyo makalayo na kami ay pinaupo ako ni Ayesha sa loob ng gazeboo.

"Baliw na Mhegan 'yon!! Ano bang problema niya?? Bakit ka sinabunutan?!!" Inis na sabi ni Ayesha habang inaayos ang buhok ko.

Hindi na lang ako sumagot at nagkibit-balikat lang. Pinikit ko na lang ang mata ko at pinabayaan silang ayusan ako.

Tss, Si Dylan kasi ehh!!

"Batak na batak sa pag hila ng buhok si Mhegan, muntik ka ng maging si Padre Salvi! Amp!!" Saad ni Darrah habang inaayos ang buhok ko.

Matunog akong bumuntong hininga bago idilat ang mata at tumayo. "I want to be alone." Walang emosyon kong sabi bago lumabas ng Gazebo.

"Hoy! Aeyza!" Narinig ko pa ang yapag nila Ayesha na sumusunod sakin kaya tumigil ako sa paglalakad at hinarap silang tatlo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taming The Midnight (DARK OWL ROMANCE SERIES # 2)Where stories live. Discover now