Chapter 39 { Clamor of the shadow}

1.8K 44 1
                                    

Flashback 3rd person P.O.V

"papa! Tignan mo na bulls eye ko lahat nang target!"

"wow! Ang galing talaga nang princess ko kaya love na love ka ni papa eh!"

Masaya ang mag amang naglalaro sa firing range nila, halatang halata na enjoy na enjoy sila sa kanilang ginagawa. Habang ang isang bata naman ay may dala-dalang papel na may guhit, ipapakita niya sana ito sa kanyang ama ngunit tumalikod nalang ito dahil sa nakita. Saka lang niya naalala na hindi pala siya ang paborito nang kanilang ama, kung ikokompara sa kanila mas pinapaboran ang kapatid niya dahil mas malakas ito, at mahilig sa martial arts, sa murang edad nila nahasa na ang kapatid niya sa ibat-ibang larangan nang pakikipaglaban, habang siya naman ay walang ka interes-interes dun.

"oh anak pinakita mo na ba sa papa mo yang drawing mo?" tanong nang kanyang ina.

Umiling lang nang sagot ang bata bago pumasok sa kaniyang silid at patunugin ang cello habang kumakanta.

Oras nang kainan, pagbaba niya ay agad niyang narinig nag mga tawanan sa kanilang hapagkainan. Nagdesisyon siyang huwag muna lumabas at makinig sa kanilang usapan.

"hahahaha sa susunod ang mount everest naman ang puntahan natin princess"

"sige dad! Baka may Makita akong polar bear dun, at gagawin kong pet hahaha"

"hahaha ganyan nga anak, maging malakas ka, dahil ikaw na ang susunod na hahawak sa mafia natin tama ba?"

"sure dad!! At pag hindi sila susunod sa akin bang! Bang! Bang! Sila sa akin"

"hahaha kaya mahal kita princess eh! Manang mana ka sa papa mo, haaayy kung sana kasing galing mo ang kapatid mo hindi ka sana mapapagod nang ganito"

"oh! Nasaan na pala si ate?"

"baka nasa kwarto pa niya at gumagawa na naman nang kanta wala naman siyang makukuha doon"

"Andrei!! Ano ba! Anak mo parin si Xhain!"

"alam ko, hindi ko lang maiwasang madismaya kung sana---"

"nandito na ako!! :D"

"Xhain!!"

Pilit na tinatago ni Xhain na narinig niya ang lahat at sinuot na naman ang mascara niya, ang maskarang laging Masaya at nakangiti.

"Xhain anak nasaan na yung drawing na gusto mong ipakita sa papa mo?"

"ah wala napo yun mama pangit po eh kaya tinapon ko na :) sige po balik na ako, sa taas ko nalang kakainin ito may gagawin pa po ako eh"

"ah sige anak"

Naka alis na si Xhain sa kainan at papasok na sana sa kanyang silid nang maalala niyang may nakalimotan pala siyang dalhin kaya dali-dali siyang bumaba, pa liko na siya nang marinig niya ang kanyang pangalan.

" sige si Xhain na ang ipapa dalo ko doon"

Sa narinig iyong balita ni Xhain parang lalabas ang puso niya sa saya, dahil unang beses niyang mabigyan nang tiwala nang kanyang ama at utusan ito. Akma siyang lalabas upang yakapin at pasalamatan ang ama nang marinig niya ang kanyang kapatid

"yey!! Salamat papa! Ayoko naman kasi sa mga ganyan ganyan eh"

"your welcome princess! Alam mo namang gagawin lahat ni papa basta para sayo"

Sa oras din yun agad na nabura ang mga ngiti sa labi ni Xhain, ang akala niyang pagtitiwala sa kanya nang kanyang ama ay dahil lang pala sa wala silang ibang choice. Ganoon na ang naging buhay ni Xhain siya ang pinapadala bilang si Xeira sa mga okasyong ayaw daluhan nang kanyang kapatid para lang siyang anino nang kanyang kapatid, isang aninong saka lang mapapansin kung wala nang ibang paraan, isang pagkataong nakatago sa likod nang imahe nang kanyang kapatid. Hanggang sa araw na naaksidente silang mag anak sa isang okasyong dinaluhan nila sa spain, inambush ang kanilang sasakyan at nahulog sa bangin.

End of flashback

"Xeira! Princess gumising ka pakiusap!"

"p---a--pap--papa"

"nandito ako princess, hindi kita iiwan"

"p--papa mahal mo ba a—ko *cough* "

"syempre naman Xeira alam mo kung gaano kita kamahal"

Umiling ang anak ni Andrei sa naging sagot nito.

"papa mahal mo ba ako bilang ako o mahal mo ako dahil itinuturing mong si Xeira ay ako?"

Biglang naguluhan si Andrei sa sinabi nang anak niya.

" Xeira! Ano bang sinasabi mo ikaw si Xeira!!"

":) no p--pa I'm not Xeira ako si Xhain yung anak na hindi mo minahal kahit kunti"

Hindi mapigilan ni Andrei ang luhang dumaloy sa kanyang mga mata.

"n-ung na aksidente tayo, pagkagising mo sa hospital agad kang pumunta sa akin, ak-- *cough cough* akala ko nag alala ka sa akin pero mali ako, alam mo ba kung ano ang tinawag mo sa akin nun pa? tinawag mo akong Xeira hindi ako makasalita nun kaya hindi ko masabi sayo na ako si Xhain, sa loob nang tatlong araw hindi ka umalis sa tabi ko, lagi mo nalang akong tinatawag na Xeira, nakalimutan mong may isa kapang anak, kung si Xeira pala talaga ang nandoon, hindi mo pala ako hahanapin, masakit papa masakit malaman na ayos lang sayo na mawala ako, na mamatay ako basta nandyan si Xeira sa tabi mo, sinubukan ko pa, sinubukan kong wag damdamin na naalala mo lang ako pag wala si Xeira, na ni minsan hindi mo ako nakita bilang si Xhain at hindi bilang si Xeira, "

"xhain...?"

"oo papa may anak kang nagngangalang Xhain, akala ko kung magpapanggap ako bilang si Xeira malalaman ko kung minamahal mo rin ba ako bilang Xhain, pero nabigo ako dahil sa panahon nang pagpapanggap ko wala akong naramdamang kahit kunting pagmamahal mo sa kataohan ni Xhain"

"hindi k--"

"papa pwede ba kahit sa huli kong hininga tawagin mo ako sa pangalan ko, ayoko nang maging anino nalang pa..pakiusap..."

Yun ang naging huling salita niya bago pumikit ang kanyang mga mata

"X---Xeir--Xhain anak.. patawarin mo ako"

Nakatulala parin si Andrei habang tinitingnan ang anak niya nang tuluyan nang bumaba ang glass cage nila, agad na sinugod ni Andrei si Krista, wala sa katinuan si Krista habang nakikipaglaban kaya halos mapuno nang sugat ang katawan nito. Natumba si Krista nang sipain siya ni Andrei sa tiyan at nawalan agad ito nang malay dahil narin siguro sa pagod kaya madali lang itong natalo, agad na pinulot naman nito ang baril at tinutok sa ulo mismo ni Krista.

"Pagbabayaran mo ito Krista, papatayin kita!!"

Andrei was about to pull the trigger nang may sumabog sa bandang harapang nang gusali.

"dad! Wag!"

"Xenon?"

"Xenon anong ginagawa mo dito?!"

" nililigtas ang pamilya ko"

"pero bakit mo ako pinigilang patayin si Krista! Siya ang pumatay sa mama at mga kapatid mo!"

"kailangan natin siya dad "

"anong ibig mong sabihin?"

"just trust me this time dad"

Agad din namang pumasok ang mga kasamahan ni Xenon kasama sina Ardent, Tyron, Janet at Nicole. Tinulungan nila sina Mark at ang iba pa at dinala sa sasakyan, binitbt naman ni Andrei ang anak nitong si Xhain, naiwan si Xenon kasama si Krista, di kalaunan binuhat niya si Krista at lumabas nang gusali.

"don't worry we will end this, sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya hahabulin ko siya kahit saang lupalop paman siya mapadpad pagbabayarin ko siya sa paglayo niya at paggamit sayo laban sa amin LITTLE SIS"


xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

The Assasin's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon