𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 46

37 1 0
                                    

"Alam kong magulo pa ang sitwasyon kaya mabuti pa mag sleep over nalang tayo sa bahay ni Laine. Might as well have some fun tonight bago magsimula ang gyera.." Mungkahi ni Scarlett

Nagtaas ako ng kilay. 

"Really? A sleepover?"

"Oohh. Hindi ko pa yan naranasan dati.." Sabat ni Cassy

"See? At ako rin! Kat, segurado din ako na hindi ka din nakaranas, So this will be something Laine can introduce to us. The human sleepover!" Excited na sabi ni Scarlett

"Sa totoo lang? I'm sure yun ang huling gusto ni Laine ngayon." Banggit ko nang may kapayapaan ng isip.

Narinig ko lang ang kwento tungkol sa mga Sleepover ng mga tao. Ang pakikipag kwentuhan, tawanan, mga Away gamit ang unan at ang napakaraming bagay ... Literal na lahat ng kinaiinisan ko ay pinagsama sa iisang gabi.

"Well.... Seguro makakatulong din ito para makapag-isip ng malinaw. Medyo hindi ko rin naranasan, gawin natin yan like a normal person do.."  Napisip si Laine

She never fail to Surprise me..

"Great! It's settled then! Girls night here we come!" Napangiti si Scarlett



>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Minsan lang ako nakapunta sa bahay nila Laine, Kahit kailan hindi ko talaga ito napapansin. Pero naiisip ko kung gaano siya kadalas na tumutuloy sa bahay nila, kung gaano kadalas niyang nakakasama si Scarlett. Nakakagulat na ang Mama niya ay  Napaka kalmado at mabait nang makita niya ang biglaang pagbisita namin sa kanila..

Pinaupo kami ni Laine sa kanilang Sala para makapag ayos siya ng kaunti. Dahil sa kung gaano katagal kaming naghihintay at ang patuloy na mga ingay at kaluskos na narinig ko, sa tingin ko higit pang 'Pag-aayos' ang ginagawa niya..

Hindi nagtagal ay dinala niya kami sa kwarto niya na ikinagulat ko dahil napakasimple lang ng loob nito..

"Eto ang kwarto ko. Nothing special at si Katherine lang ng hindi pa nakakapasok sa kwarto ko.." Bahagyang nagkibit balikat si Laine habang napabuntong hininga..

"Nasaan si Whisky?" Tanong ni Scarlett

Sinamaan siya ng tingin ni Laine. 

"Whiskers ang pangalan niya.." Nilibot niya ang pningin sa buong kwarto

"Hindi ko talaga alam. Kanina nandito siya."

Sino si Whiskers?" Tanong ni Cassy

"Pusa ni Laine. He's a grumpy little thing kaya mas okay sa kanya ang whisky. Actually, medyo mataba siya orange dough ball, so little was an understatement." Sagot ni Scarlett

"Hindi siya mataba, malambot siya!" Depensa ni Laine

Oh God. Ang kawawang bagay na iyon ay malamang na itinapon sa Narnia. Nawa'y magpahinga siya ng buo.

Teka....

Matabang Orange na pusa....

Alam kong wala si Mason, pero malakas ang gana kong sakalin siya ngayon.

Napatingin sakin si Cassy na may pag-aalala..

"Kat? Bakit parang galit ka? Okay ka lang?"

"May naaalala lang ako.."

Napansin kong medyo umiling si Laine at nagpeke ng ilang ubo.. Alam niya kung ano yon at pinipigilan niyang huwag tumawa. Well, Palalampasin ko ang araw na ito dahil deserve niyang maging masaya ngayon


Hybrid (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon