Part 3

456 22 0
                                    

Jema's POV

Ilang araw pa yung lumipas at bukas na yung team building namin

Nandito kami sa bahay nila Gwen dahil tulad ng napag-usapan namin dito nila ako aayusan

Kasama ko sila Jho, Gwen, Maloi, Stacy, at Sheena

Yung nangyareng sermon nga pala sakin nung nakaraan ay naayos na, tuwang-tuwa si Mr. Santos sa bagong design na binigay ko

Hanggang ngayon palaisipan parin sakin kung sino yung tumapos ng design, tinanong ko yung mga kasama namin sa office pero wala silang alam

Hindi naman pwedeng si Deanna yon kasi himala nalang kapag ginawa nya yon! Wala namang pake sakin yon!

"Ma'am Jema--"

"Ate nalang" putol ko kay Sheena

Ngumiti sya

"Osige po, Ate Jema nalang, pero okay lang ba na gupitan yung buhok mo?" tanong nya

Kumunot yung noo ko

"Marunong ka ba?!"

"Oo, heheh!" sagot nya

"Sige" pagpayag ko

Sinimulan na nya akong gupitan, nanonood lang samin sila Maloi

"Gaano ba kaiksi yung gugupitin mo Sheena?" tanong ni Stacy

"Hanggang leeg, heheh!" sagot nya

Nanlaki yung mata ko

"Ano?! Sobrang ikli non!" sabi ko

"Bagay sayo yun ate Jema, magtiwala ka sakin!" sabi ni Sheena habang nakangiti

"Eh ilan na ba yung nagugupitan mo??" tanong ko sakanya

"Ikaw palang, HAHAHAHAHAH" sagot nya sabay tawa ng malakas

"Hala! Wag nalang!" sabi ko

"Hindi! Marunong talaga ako, promise! Tapos kukulayan natin yang buhok mo!" sabi nya

"Oo nga! Tapos pagkatapos nyo dyan pupunta tayo sa dentist mo para ipatanggal na yang brace mo, tapos deretso tayo sa mall para bumili ng contact lense at mga damit na gagamitin natin bukas!" sabi ni Stacy

"Ha?? Ang dami naman nating gagawin" sabi ko

"Okay lang yan! Promise! Magugustuhan ka ni boss D!" sabi ni Maloi sabay kindat sakin

Napakamot nalang ako sa ulo ko

Sinimulan na akong gupitan ni Sheena, pagkatapos nya akong gupitan kinulayan na din nya yung buhok ko

Hindi ko alam kung ano ng itsura ko dahil ayaw nila akong bigyan ng salamin! 😏

Ilang oras pa yung lumipas....

"Ayan! Tapos na!!" sabi ni Sheena

"Wow! Jusko! Ilabas mo si Ate Jema! Sino yan?!" tanong ni Gwen

"Ang ganda mo na Ate Jema! Parang bumata ka! Hahah!" sabi ni Jho

Napangiti ako

"T-Talaga?!" tanong ko

"Oo nga! Para ka ng si Dora! Dora na golden yung buhok!" sagot ni Maloi

Biglang nawala yung ngiti sa labi ko

"Naman eh!" sabi ko sabay pout

"Joke lang! Pero bagay sayo!" sabi ni Maloi

"Tara na! Mag-ayos na kayo, pupunta tayo ng clinic para ipatanggal yung brace nya" sabi ni Stacy

Oras pa yung lumipas, natapos na din kami sa clinic, natanggal na din yung brace ko, sunod naming pinuntahan ay mall, habang sinusuot ko yung contact lense nakatingin lang sakin yung mga kasama ko, lahat sila ay nakangiti

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon