Part 18

612 48 16
                                    

Deanna's POV

Umaga palang kinukulit na ako ni Tots

"Deanns, papasok ka bukas ha!"

Ang kulit!

"Oo nga! Papasok ako bukas!" sagot ko

"Heheheh! Sinisigurado ko lang! Ang dami mo ng naiwan na trabaho dito, ngarag na ngarag na yung assistant mo"

Haist!

"Oo na! Wag syang mag-alala, pagbabakasyunin ko sya"

"Hahah! Talaga? Good yan! Matutuwa yon" sabi nya

"Sige na, may lakad pa kami" sabi ko

"Wait? Kami? Sinong kasama mo?" tanong nya nya

"Basta, ang dami mong tanong Tots, kita nalang tayo bukas!" sagot ko

"Hoy--toot!"

Pinatay ko na yung call

Ang kulit eh!

Bumangon na ako at naglakad palabas ng kwarto

Nang makarating ako sa sala nakita ko si Colet na nagluluto

Saan nakakuha ng lulutuin to?

"Good Morning Ate Deanna!" bati nya sakin

Umupo ako

"Good Morning, anong niluluto mo? Saka saan mo nakuha yan?" tanong ko

"Heheh! Maaga kasi akong lumabas, buti nalang may 7Eleven sa labas ng village" sagot nya

Inilapag nya yung naluto nya sa lamesa

Hotdog... pwede na din...

Nagsimula na kaming kumaen

Maya-maya may naalala ako

"Colet, maggrocery tayo pagkatapos kumaen"

Ngumiti sya

"Sige! Gusto ko yan te, heheh! Saka gusto kong pag-aralan yung mga promodiser sa mall!"

Tumingin ako sakanya

"Bakit?"

"Heheheh! Diba nga nabanggit ko sayo kahapon na may trabaho na ako next week? Promodiser yung trabaho ko, heheh!" sagot nya

Natawa ako

"Hahaha! Kaya mong maging promodiser?!"

"Oo naman! Wala ka talagang bilib sakin!" irap nya

"Osige nga, kunware hotdog yung ititinda mo, paano mo ako maeengganyo na bumili ng hotdog?" hamon ko sakanya

"Easy!" pagyayabang nya

"Aber! Sige nga!"

Tumayo sya at kumuha ng isang hotdog

"*Ehem! *Ehem! Good Morning Ma'am/Ser! Ipinapakilala ko sainyo ang tender juicy hotdog! Kapag bumili kayo nito talagang magugustuhan ng mga junakis nyo! Masarap! Mahaba! Siksik! At malinamnam! Kaya bili na!!"

Natawa ako dahil sa itsura nya

"Hahah! Osige, kapag bumili ako nyan anong mapapala ko dyan?" tanong ko sakanya

Tinignan nya ako ng masama

"Ay! Ginagalit mo ako Ate Deanna! Kapag bumili ka nito automatic na si Alden Richard ang susubo sayo! Ano okay na?!"

Natawa ako ng malakas

"HAHAHAHAHAHAHAH!"

"Hindi nalang kasi bumili eh! Ang daming tanong! Piskit!" irap nya sakin pagkatapos umupo na sya

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon