Part 17

654 44 21
                                    

Deanna's POV

Tatlong araw na ako dito sa Cebu, umuwi muna ako dito para makapag-isip-isip, yung totoo kasi nyan hindi ko na alam kung paano aayusin yung tungkol samin ni Jema

Gabi-gabi akong umiiyak, kung pwede ko lang ibalik yung dati

Naramdaman kong uminit yung mata ko, nagbabanta nanaman na papatak yung luha ko kaya tumingala ako

Ang hiraaap...

Pinunasan ko yung luha sa gilid ng mata ko

"Ok raka? Umiiyak ka?"

Napatingin ako sa tabi ko

Oo nga pala, kanina pa pala nandito yung pinsan ko

Nandito kami ngayon sa garden at nakatambay

Pinunasan ko ulit yung luha ko

"Mm" tipid na sagot ko

"Ayaw nag hilak uy!" sabi nya sabay tapik sa balikat ko

Tumingin ako sakanya

"Sinisipon lang ako" pagsisinungaling ko

"Sinisipon daw! Sinisipon yung mata?" tanong nya

Pilit akong ngumiti pagkatapos napabuntong hininga ako

"Ang hirap, gustong-gusto ko na syang makita pero... pero wala na akong mukhang maihaharap sakanya"

Nakatingin sya sakin at halata sa mukha nya na naaawa sya sakin

"Magiging okay ka din Ate Deanna, kasalanan mo naman kasi" sabi nya

Tumingin ulit ako sakanya

"Kamusta na kaya sya?" tanong ko

"Ewan ko, parehas tayong nandito eh.." pamimilosopo nya

Tiningnan ko sya ng masama

"H-Heheh! Joke lang! Pinapatawa lang kita eh!"

"Basag naman to, nagdadrama yung tao eh" sabi ko

Natawa sya

"Hahah! Bagay talaga sayo yung pangalan mo, DEANNA... DEANNA sumaya!" asar nya

Tumingin ulit ako sakanya

"Wait nga, kanina ka pa dito sa bahay... ano bang kailangan mo? Makikikaen ka nanaman ba?"

Napanguso sya

"Hindi! Patambay lang eh! Saka itatanong ko lang sana kung kailan ka babalik ng Manila?" tanong nya

"At bakit??"

"Sasama kasi ako" sagot nya sabay ngiti

"At anong gagawin mo??"

"Magtatrabaho, heheh! Makikitira na din sa bahay mo, okay lang ba Deanna Wong??" tanong nya sakin

Tumingin ulit ako sakanya

Kaasar! Naalala ko nanaman tuloy yung Jema! Ganyan din kasi yung tawag nya sakin minsan...

Tumawa sya

"Hahahah! Aayyiiee! Naalala nya yung asawa nya! Hahah!" pang-aasar nya ulit sakin

"Isa pang asar hindi kita papatirahin sa bahay ko!" banta ko sakanya

"Ay! Sorry na! hahah!" sabi nya sabay tawa

"Ewan ko sayo! Wag kang sasama sakin ha!" biro ko sakanya

"Joke lang naman ate Deanna! Ito naman! Hindi mabiro eh!" sabi nya sabay yakap sakin, "Ikaw talaga yung peyboriittt kong pinsan!" dagdag nya pa

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon