Kyla's POV
Nanginginig ako dahil sa galit, nag-aalala din ako kay Jema
Hindi ko alam kung anong nangyare sakanya
Maya-maya lumabas na yung doctor na nag-asikaso sakanya
"Kaano-ano ka po ni Jema?"
"Aahh, bestfriend nya po ako" sagot ko
"Ganon ba? Okay na sya, hintayin nalang natin syang magkamalay"
"Eh doc ano bang nangyare sa kaibigan ko??!"
Tiningnan nya ako na para bang nagtataka
"Wala kang alam kung bakit sya nagkaganyan?" tanong nya
Umiling ako
"W-Wala po"
"Pano ka naging bestfriend ni Jema?"
Kumunot yung noo ko, umiling naman sya
"Hintayin mo nalang si Jema na magising, gusto kong sya mismo yung magsabi sayo, siguro may reason sya kung bakit hindi nya sinabi sayo"
"Doc! Ano ba kasi yung nangyayare?! bakit hindi mo nalang sabihin sakin kung ano yung sakit ng kaibigan ko?!"
Tumingin ulit sya sakin pagkatapos bumuntong hininga
"Sige, nag-aalala lang kasi ako, baka kasi nililihim nya to eh... pero sige, sasabihin ko na sayo... ilang beses ng nagpapacheck up dito si Jema dahil buntis sya"
Naitakip ko yung palad ko sa bibig ko
Nabigla ako dahil sa sinabi ng doctor
"K-Kamusta po si Jema?!"
"Okay na sya..."
"A-At y-yung baby?"
Yumuko yung doctor at umiling
Parang alam ko na yung sagot
"Sorry pero wala na yung baby nya" malungkot na sagot ng doctor
Parang dinurog yung puso ko dahil sa nalaman ko
Mas dumoble yung galit ko kay Deanna...
Hindi ko alam yung gagawin ko ngayon, ipapaalam ko ba kila tita at tito? sa mga kaibigan ko??
"Hintayin muna nating magising si Jema" sabi ng doctor
Mukhang nabasa nya yung laman ng isip ko
Dahan-dahan akong tumango
Naaawa ako kay Jema, hindi ko alam na ganito yung sasapitin nya...
Nasasaktan ako ngayon kasi nawala yung baby nya, pano pa kapag nalaman ni Jema to??!
Pumatak yung luha sa mga mata ko
Kinagabihan nagising na si Jema, nalaman nya din na nawala yung baby nya kaya iyak sya ng iyak...
Pinakiusapan nya din ako na wag kong sasabihin kahit kanino yung nangyare sakanya
*******
Dean's POV
Nang makaalis si Jema tumingin ako kay Carly
"Umalis kana!" sabi ko
"H-Ha?!"
"Ang sabi ko umalis kana! Tapos na tayong dalawa!"
"P-Pero Dean--"
"Ayaw na kitang makita kahit kailan, naiintindihan mo ba?!"
Nagulat ako nang sampalin ako ni Carly
*Paaaaaaakkk!!
Napapikit ako