Part 2

425 22 1
                                    

Jema's POV

"Bes, malilate na tayo, bilisan mong mag drive!" sabi ko kay Kyla

"Wait lang bes! Traffic kaya!"

Sya kasi yung nagdadrive dahil nag-aayos ako ng mukha ko

"Bes, maganda na ba ako?" tanong ko kay Kyla

Tumingin sya sakin

"Pfft! Bes, grabe naman yang make up mo... dapat light lang!" sabi nya

"Tsk! Dapat maganda ako, dapat mapansin ako ni Deanna ngayon!"

Napailing sya

"Patay na patay ka sa taong hindi ka naman gusto!"

"Pasmado din yang bunganga mo bes no?!" irap ko sakanya

"Nagsasabi lang ako ng totoo bes, ang dami-dami dyan bakit yun pa yung nagustuhan mo?!"

"Ewan! Sya nga kasi yung gusto ko, ang kulit nyo, halos lahat kayo ganyan yung sinasabi sakin!" sabi ko habang naka pout

"Eh kasi nakakaawa kana bes, habol ka ng habol sa taong never magkakagusto sayo!" sabi nya

"Ang sakit mo naman magsalita" sabi ko sabay pout

"Sinasabi ko lang yung totoo bes..."

"Hay naku! Tingnan mo, mamaya mamamangha sya sa ganda ko, heheheh!" sabi ko sabay ngiti

Tumingin ulit sakin si Kyla

"Bahala ka nga bes! Magpakabaliw ka sa babaeng yon! Kami na yung magdadala sayo sa mental hospital!"

Napakamot ako sa ulo ko

"Bes, late na tayo! Baka hinihintay na ako ni Deanna Wong!"

"Bes, wag kang mag-alala, hindi ka hinihintay non!!"

"Grabe ka talaga sakin!"

Tinawanan nya lang ako

Invited din sila papa dito, kaso may importante silang lakad kaya hindi sila makakapunta

6:30 PM na nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Dean

Kinuha ko yung regalo ko pagkatapos mabilis akong bumaba ng sasakyan

"Bes, wait!" sigaw ni Kyla pero hindi ko sya pinansin

Pagpasok ko sa gate nakita kong nakatingin sakin si Deanna habang nakangiti

Shit! Siguro tuwang-tuwa sya kasi nakita nya ako??!

Napangiti ako at kinawayan ko sya

Naglakad sya palapit sakin

Dugdug! Dugdug! Dugdug!

Ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko

Shit! Inlove na din ba sya sakin?!

I do na agad Deanna Wong!!!

Napalunok ako

Nang malapit na sya sakin

"Deanna happy bi--"

Natigilan ako dahil nilagpasan nya ako

"Carly, akala ko hindi kana darating eh!"

Napalingon ako sakanila at dahan-dahang nawala yung ngiti sa labi ko

"Sorry, nalate ako, ang traffic kasi eh" sabi ng babae

Nakaramdam ako ng hiya

Mas lalo akong nalungkot nang yakapin ni Deanna yung babae

"Okay lang, ang mahalaga nakarating ka" sabi ni Deanna habang nakangiti

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon