Part 16

588 42 18
                                    

Deanna's POV

Nagsinungaling ako may Jema na may pupuntahan ako, yung totoo nakaramdam ako ng selos kanina nung nakita kong magkasundo si Pangs at yung papa ni Jema

Nang makauwi ako sa bahay agad akong nagbukas ng beer

Umupo ako sa sofa at doon ako uminom

Maya-maya naramdaman kong tumutulo na yung luha ko kaya pinunasan ko iyon

Ginawa ko na yung lahat pero wala parin...

Simula noong nasa Palawan kami hanggang kahapon hindi ko sya tinigilan pero ang tigas nya parin...

Pinunasan ko ulit yung luha ko

Susuko na ba ako???

Uminom ako ng beer

Ang sakit-sakit... araw-araw nya akong binabalewala, ganito pala yung nararamdaman nya dati...

Pinunasan ko ulit yung luha ko

Uminom lang ako magdamag

KINABUKASAN...

Late akong pumasok sa office dahil tanghali na akong nagising

Tok! Tok!

Napatingin ako sa pinto ng office ko

Si Kaye

Umayos ako ng upo

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya

Nakatingin lang samin si Maloi

"Bumibisita, bakit ka nga pala umuwi kahapon?" tanong nya

Naglakad sya papunta sa harap ko

"M-May pinuntahan lang ako" sagot ko

"Sinungaling..."

Hindi ako nakaimik

"Alam mo bang nabaggit sakin ni Mela na sasagutin na daw ni Jema si Pangs ngayong araw?"

Tumingin ako sakanya

Dahil sa inis ko tumayo ako at nagmadali akong pumunta may Jema

Ramdam kong sumunod sakin si Kaye at Maloi

"Jema!"

Nakita kong nagulat sya, napatingin din samin yung mga tao na nagtatrabaho

"B-Bakit?" tanong ni Jema

"Totoo ba?!"

Kumunot yung noo nya

"A-Ang alin?!"

"Totoo ba na sasagutin mo na si Pangs?!"

Hindi sya nakaimik

"Deanns! Anong nangyayare dito?!" tanong ni Ate Bea pero hindi ko sya pinansin

Sa sobrang lakas kasi ng boses ko malamang narinig nila

Nakatingin lang ako kay Jema

"Jema sumagot ka!" sigaw ko

"Oo! May problema ba??!"

Nakagat ko yung labi ko

"Meron! Wag mo syang sasagutin! Please lang! Nakikiusap ako!"

Kumunot yung noo niya

"Hanggang ngayon ba ikaw padin yung masusunod??!"

"Nakikiusap ako sayo Jema!"

Tumayo sya at naglakad papunta sa harap ko

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon