Part 8

380 24 1
                                    

Deanna's POV

Pagkatapos kong kumaen bumalik ako sa room namin ni Jema

Pagbalik ko sa room biglang tumunog yung phone ko kaya kinuha ko iyon

Si Carly tumatawag

"Hello? Carly napatawag ka?"

"Wala lang, namimiss lang kita, heheh! Kailan yung balik nyo dito sa Manila?"

Oo nga pala, nabanggit ko sakanya kahapon na sumama ako kila Ate Bea

Napangiti ako

"Namimiss na din kita, bukas pa kami uuwi, bukas ng umaga"

"Kita tayo bukas ng gabi?"

Mas lalong lumaki yung ngiti ko

"Sige, pero kamusta na yung daddy mo?"

"Okay na sya, buti nga nadala kaagad sa hospital"

Tumango ako

"Mabuti naman, mmm... saan pala tayo magkikita bukas?"

"Dito nalang sa condo ko" sagot nya

Nakagat ko yung labi ko habang nakangiti

"Sige, na-excite tuloy ako"

Narinig kong natawa sya

"Sige, tumawag lang ako kasi namimiss kita, I love you Dean!"

"love you too!"

Hindi mawala yung ngiti sa labi ko

Pakiramdam ko gumanda yung mood ko

Kinahapunan nag-aya sila Ate Bea na maglaro ng volleyball

"Jema, sali ka samin, ang KJ mo na ha!" sabi ni Ced sakanya

Umiling si Jema

"M-Meron kasi ako ngayon Ced"

"Aaahh, kaya pala, heheh!"

Kaya pala hindi sya sumasali

Napangiti ako

Nagkaroon sya, ibig sabihin hindi sya buntis! Hehehe!

Mas lalong gumanda yung mood ko

Kinahapunan namasyal kami, ang dami naming pinuntahan, sobrang lawak naman kasi ng farm nila Ate Bea

Habang naglalakad kami biglang

"Aaggh!" daing ni Jema kaya napatingin kaming lahat sakanya

"Okay ka lang bes??" nag-aalalang tanong ni Kyla

"O-Okay lang, s-sumakit lang yung puson ko" sagot ni Jema

Lumapit ako sakanya

"Tubig, gusto mo?" tanong ko, inabot ko din sakanya yung tubig na hawak ko

Tumingin sya sakin at ngumiti

"T-Thank you" sabi nya pagkatapos kinuha nya yung tubig at ininom iyon

"Akalain mo yun? Concern din pala sya kay Jema?" rinig kong bulong ni Ced

Nang maging okay na yung pakiramdam ni Jema nagpatuloy kami sa pamamasyal

Kinagabihan, dahil sa pagod biglang sumama yung pakiramdam ko, magdamag akong inasikaso at binantayan ni Jema

KINABUKASAN...

Madilim pa nang magising ako, tumingin ako kay Jema at napangiti ako

Nakatulog sya habang nakaupo...

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon