Part 21

691 42 21
                                    

Jema's POV

Nandito na ako ngayon sa office, hindi kami natuloy ni Pangs magdinner kagabi dahil may emergency daw sa bahay nila

Napatingin ako sa office ni Deanna, nakita kong kasama nya yung pinsan nya at meron pa syang kausap na isang babae pero hindi ko makita yung mukha

Baka client?

Pero ang aga naman?

"Good Morning Ate Jema!" bati sakin ni Jho kaya napatingin ako sakanya

Kakarating nya lang din

"Good Morning, ang aga mo ha"

"May mga pinapatapos kasi si Boss BDL, heheh!" sagot nya

Tumango ako

"Ganon ba?"

"Opo. Ikaw? Bakit ang aga mo?"

"Wala, hehe! Maaga kasi akong nagising" sagot ko

"Pupunta ako sa pantry te, sama ka? magtitimpla lang ng coffee" sabi nya

Ngumiti ako

"Sige"

Pagpasok namin sa pantry nakita namin sila Stacy, Gwen, at Sheena

Aba... maaga din pala sila...

"Good morning girls!!" bati ni Jho

"Huy! Nakita nyo ba yung dalawang babae na kasama ni boss D?" tanong ni Gwen

"Sino? Hindi ko napansin eh" sagot ni Jho

Nakita din pala nila

Nagtimpla ako ng coffee, may vendo machine naman dito pero mas trip ko ngayon yung tinitimpla

"Nakasalubong namin sila kanina! Grabe! Ang gaganda ng kasama ni boss D! Yung isa diba pinsan nya yon?" tanong ulit ni Gwen

"Oo. Si Colet? Yun yung sinabi ni Ate Maloi kahapon" sagot ni Sheena

"Eh yung isa kaya?! Ang ganda din teh!" sabi ni Gwen

"Ano bang itsura?!" tanong ni Jho

Pagkatapos namin magtimpla ng coffee tumabi kami sakanila

"Siguro naman nakita mo na yung babae na kasama ni boss D kahapon diba? Si Colet?" tanong ni Stacy

"Oo, maganda nga... eh sino naman yung isa? Anong itsura?!" tanong ulit ni Jho

"Basta! Ang ganda! Akala mo artista eh! Parang manika yung mukha! Ang kapal din ng kilay! Chinita! Yung mukha ang kinis!" paglalarawan ni Sheena

"Oh?!" tanong ni Jho

"Oo! Grabe! Feeling ko tuloy artista yung tatlo kanina, hahahah! Si Boss D ang papi din!" sabi ni Sheena

Napangiti ako

Kaya ko nga minahal eh...

"Sino naman kaya yon? Baka jowa ni Ate Deanna?"

"Ehem!"

Napatingin kami sa pinto

Pumasok si Colet at yung isang babae kaya natahimik kami

Siguro ito yung tinutukoy nila??

Pero pamilyar sya sakin eh

"Good Morning!" bati ni Collet samin

"G-Good Morning..." bati ng mga kasama ko maliban sakin

Iniisip ko kasi kung saan ko ba nakita yung babaeng to...

Lumapit sila sa may vendo machine

"Ano kayang iniinom dito ni Ate Deanna?" tanong ni Colet sa kasama nya

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon