Deanna's POV
Agad akong sinalubong ni Tots pagkadating ko sa office
"Deanna Wong! Welcome baaacckk!!"
Napangiti ako
Naglakad kami papasok sa office ko
Umupo kaming dalawa
"Ano?! Kamusta na? Okay ka na ba?" tanong nya sakin
Pilit akong ngumiti
"Sa tingin mo magiging okay ako sa loob ng one week?" tanong ko sakanya
"Ay, sorry, heheh! Pero siguro naman medyo okay kana ngayon?"
Tumango ako
"Mm.. medyo" sagot ko
"Anong balak mo?" tanong nya
Tumingin ako sakanya
"Balak saan?"
"Jusko! Kay Jema syempre!" sagot nya
Umiling ako
"Sa laki ng kasalanan ko kay Jema hindi ko na alam kung kaya ko pa syang harapin, ni hindi ko nga sya matingnan kanina eh" sagot ko
Sumandal sya sa upuan habang nakatingin sakin
"H-Hindi ko na hinahangad na magkabalikan kaming dalawa, y-yung gusto ko nalang ay yung mapatawad nya ako" dagdag ko pa
"Susukuan mo na sya?"
Pilit akong ngumiti
"Tots, hindi ko naman sya sinukuan diba? N-Narealize ko lang na b-baka maging mas masaya sya kay Pangs" sagot ko
Sumulyap ako sa pwesto ni Jema at nakita kong nag-uusap sila ni Pangs
Naramdaman kong kumirot yung dibdib ko
"Makita ko lang syang masaya okay na ako, k-kahit na hindi ako yung dahilan ng pagngiti nya" dagdag ko pa
"Deanns! May laban ka pa oh! Hindi nya pa sinasagot ni Pangs!"
Tumingin ako sakanya
"Tots, kayo na din yung nagsabi sakin dati na hindi ko deserve si Jema, tama nga kayo, nakita nyo naman kung ano yung ginawa ko diba?"
Umiling si Tots
"Sure kana ba?"
Tumango ako
"E-Eh.. k-kung yan yung desisyon mo wala na akong magagawa" sabi nya
Pilit akong ngumiti
"Haha! W-Wag kayong mag-alala, magiging okay din ako"
"Ewan ko sayo, wait nga muna, CR lang ako!" paalam nya sakin
Nang makalabas si Tots sumandal ako sa upuan ko
Naramdaman kong uminit yung mata ko kaya tumingala ako
Ilang sandali lang at may naririnig na akong nagsisigawan sa labas
Wait... Ano bang nangyayare don?!
Tumayo ako at lumabas ng office
Nanlaki yung mata ko nang nakita ko si Colet na hinihila palabas nila Maloi at guard
"Annnoooo baaa?! Kailangan ko lang makausap yung--"
"Colet???" tawag ko sakanya
Medyo nailang ako dahil nandito si Jema
"Oh diba?! Kilala nya ako!" sabi ni Colet habang nakakunot noo
Binitawan sya ni Maloi at ni guard
"Anong ginagawa mo dito?! Bat ka umalis sa bahay?!"