Part 14

428 27 1
                                    

Dean's POV

FRIDAY...

Ngayon yung araw ng pagpunta namin sa Palawan, nandito na din kami ngayon sa eroplano

Natutuwa ako dahil katabi ko si Jema, kaso busy sya sa kakacellphone

"Ehem!" kunwareng ubo ko kaso mukhang hindi nya napansin iyon

Baka katext nya si Pangs?

"Eheeemmm!!!" mas nilakasan ko pa yung pagkukunwareng ubo ko

Tumingin sya sakin

"May problema ka ba?"

"Uhm.. baka gusto mong maidlip? Pwede mong gawing sandalan yung balikat ko" sabi ko sakanya

"Hindi naman ako inaantok, saka halos isang oras lang naman yung byahe papunta sa Palawan" sagot nya

"Edi ako nalang yung iidlip, hehe" sabi ko

"Okay"

Ngumiti ako pagkatapos isinandal ko yung ulo ko sa balikat nya pero iniwas nya iyon kaya tumingin ulit ako sakanya

"Sinabi kong okay pero hindi ibig sabihin non pwede mo ng sandalan yung balikat ko" sabi nya

"A-Ahh, s-sorry"

Nakaramdam ako ng lungkot

"Jema, kailan mo ba ako kakausapin?" tanong ko sakanya

"Magkausap na tayo diba?"

Napapikit ako

"I mean kailan ka makikipag-usap tungkol sating dalawa?"

Tumingin sya sakin

"May kailangan pa ba tayong pag-usapan?"

Ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso si Jema

Huminga ako ng malalim dahil para akong hinihigop ng mga tingin nya

"Meron... gusto kong ayusin yung relasyon natin"

Natawa sya

"Haha! May relasyon pala tayo?"

"Jema asawa mo ako diba?!"

"Parang nakakalimutan mong pinakasalan mo lang ako dahil sa daddy mo?"

Hindi ako nakapagsalita

Napalunok ako

"Sumasakit yung ulo ko sayo Deanna, kung pwede lang wag mo muna akong kausapin!" dagdag nya pa

Hindi na ulit ako nagsalita

Ramdam ko parin yung galit nya sakin

Hindi ko alam kung anong gagawin ko

Bigla kong naalala yung naging pag-uusap namin nila Ate Bea nung nakaraan

Flashback...

Nandito pa ako ngayon sa office ko at nagmumukmok, nalaman ko kasing magkasama nanaman si Jema at si Pangs

Kainis!

"Hoy!"

Napatingin ako sa pintuan at nakita ko sila Tots at Bei na nakasandal sa pintuan ko

Hindi ko manlang naramdaman yung pagpasok nila

Inayos ko yung upo ko

"Bakit?" tanong ko habang nakakunot noo

"Hindi, ka pa uuwi?" tanong ni Ate Bea

Umiling ako

"Magmumukmok ka nalang ba dyan?"

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon