Part 6

410 26 1
                                    

Dean's POV

Friday...

Kakarating ko lang dito sa office, kinuha ko yung baon ko pagkatapos itinapon ko iyon sa basurahan

Hindi parin talaga sya napapagod na ipagluto ako, eh hindi ko naman kinakaen!

"Tama ba yon?"

Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Tots

Napabuntong hininga ako

Ayan nanaman sya...

"Maraming nagugutom sa lansangan, pero ikaw nagtatapon ka lang ng pagkaen..."

Umupo sya sa harap ko habang naiiling

"Kawawang Jema, napunta sa babaeng walang kwenta..."

"Tots! Ano nanaman yang pinagsasabi mo?! May kwenta ako, okay?! Talagang hindi ko lang sya mahal kaya wala talaga akong pake sakanya, lalo na sa nararamdaman nya!" irap ko

"Edi pakawalan mo na! Deanns, hindi to deserve ni Jema! Wala din syang nagawang masama sayo... ako na yung naaawa sa tao eh!"

Napakamot ako sa ulo ko

"Ayan ka nanaman eh... magtrabaho nalang tayo" pag-iiba ko ng topic

Tumayo sya habang nakatingin sakin

"Alam mo, hindi na namin nagugustuhan yung ginagawa mo, parang hindi na ikaw yung bestfriend na kilala namin!"

Tumingin ako sakanya

"Tots, naiintindihan kita, nagagalit ka sakin kasi kaibigan ni Jema yung girlfriend mo!" kunot noong sabi ko

"Deanna! Hindi ito tungkol kay Ced--"

"Ayaw ko ng pag-usapan si Jema, please lang!"

Kitang-kita ko yung pagkadismaya sa mga mata ni Tots

Tumango-tango sya

"Sige... pero ingat ka, baka sa huli ikaw lang yung masaktan..." sabi nya pagkatapos tumalikod na sya

Ako? Masasaktan?! Tss! Hindi mangyayare yon!

Nang makalabas si Tots saka naman pumasok si Maloi

Nagtataka din sya dahil halata sa mukha ni Tots yung inis

"Nag-away po kayo?" tanong ni Maloi

Umiling ako

"Hindi, magtrabaho ka nalang" sagot ko sakanya

Nagsimula na akong magtrabaho

Kinahapunan napatingin ako sa labas at nakita kong nagkukumpulan sila Cait, Ced, Kyla, Ate Bea, Tots at yung mga OJT, mukhang may kausap din sila

Naglakad ako palabas

"Anong meron?" tanong ko sakanila

Sabay-sabay silang napatingin sakin, nakita ko din kung sino yung pinagkakaguhan nila

Akala ko pa naman artista! Tsk!

"H-Hi Deanna, dumalaw lang ako, nagdala din ako ng pizza" sabi ni Jema sabay ngiti

"Yown! Mukhang marami to Jema!" sabi ni Tots

"Kasi para sa lahat yan" sagot ni Jema sabay ngiti

"Ang mabuti pa sa pantry na natin kainin yan!" sabi ni Ate Bea

"Tama!" sabi naman ni Cait

Tumingin si Tots sakin

"Tara Deanns, doon tayo sa pantry" aya nya sakin

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon