Part 13

439 30 1
                                    

Dean's POV

Nasasaktan ako...

Dapat ako yung maghahatid sakanya eh...

Pagbalik ko sa loob biglang nagsalita si daddy

"Ayusin mo yung gulo mo Deanna" sabi nya

Napalunok ako

"O-Opo" sagot ko

Tumayo na sya at naglakad, sumunod naman sakanya sila mommy at mga kapatid ko

"Ate, uuwi na kami"

Pilit akong ngumiti

"I-Ingat" sabi ko

Bumagsak yung dalawang balikat ko

Anong gagawin ko??

KINABUKASAN...

Pagpasok ko sa office nakita ko si Pangs at Kyla na nasa harap ng table ni Jema

Nagtatawanan silang tatlo kaya biglang nawala yung mood ko

Oo nga pala, ngayon nga pala magsisimula si Pangs dito sa company namin

Tumingin sakin si Pangs

"Good Morning!" bati nya sakin pero nilagpasan ko lang sya

Nakakailang hakbang palang ako pero napahinto ako

"Pwede bang bumalik na kayo sa trabaho nyo?" sabi ko habang nakatalikod

"Ah, Deanna, maaga pa naman, 8 AM pa yung start ng work" sabi ni Kyla

Dahil sa inis ko nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad

Pagpasok ko sa office pabagsak akong umupo sa swivel chair

Wala pa pala si Maloi

Napatingin ako kila Jema, hanggang ngayon nagkukwentuhan parin sila

Yumuko ako dahil ramdam ko yung pagkirot ng dibdib ko

Nakakainis!

Tok! Tok! Tok!

Kunot noo akong tumingin sa pinto at nakita ko Tots

"Okay ka lang?" tanong nya

Tumango lang ako

"May meeting tayo sa conference room" sabi nya

"S-Susunod ako" sagot ko

Ngumisi sya

"Ayos yung bagong style ng office mo ha, masakit ba?" tanong nya

Inirapan ko sya habang nakakunot noo

"Alam mo Tots kung wala kang sasabihing maganda pwede bang umalis ka nalang?!"

Natawa sya

"Naku! Mukhang araw-araw mainit yung ulo mo ha!"

Tiningnan ko sya ng masama

"Sabi ko nga aalis na hahah! Basta punta ka nalang sa conference room" sabi nya pagkatapos umalis na sya

Pinakalma ko yung sarili ko

"Good Morning boss D! Sorry! Late nanaman ako!" sabi nya

"Lagi naman" bulong ko

"Po?"

"Wala, ang sabi ko pupunta tayo sa conference room, may meeting daw" sagot ko

"Okay po!" sabi nya

Maya-maya pumunta na kami sa conference room

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon