Mikha's POV
Pagkatapos namin ikulong sila Ate Deanna sa kwarto napagpasyahan naming magkwentuhan, hindi na din kami lumabas dahil alam naman namin na hindi kami makaka-relate sa mga pinag-uusapan nila Ate Bea
"Guys! Luto tayo ng pancit canton!" aya ni Stacey
"Sige! Ako na yung magluluto!" prisinta ni Sheena
"Sarapan mo girl!"
"Oo naman! Kasinh sarap ko?" sagot ni Sheena
"Kapal!" sabay-sabay naming sabi kaya natawa si Sheena
Ilang sandali lang at natapos na syang magluto ng pancit canton kaya naman nagkukwentuhan kami dito sa sala habang kumakaen
"Ang sakit ng tenga ko bai! Piskit! Nalagyan ng tubig kanina!" reklamo ni Ate Colet kaya napangiti ako
"Oo nga eh, nakainom ako ng tubig kanina!" sabi naman ni Jho
"Pero aminin natin, masaya silang kasama... sana nga maging okay na sila Boss D at Ate Jema" sabi ni Ate Maloi sabay subo ng pancit
"Oo nga, sa tingin ko naman makakapag-usap na sila don! Pag-untugin ko sila eh!" sabi ni Jho kaya nagtawanan ulit kami
"Maiba tayo guys, may sasabihin pala ako sainyo" sabi ni Ate Aiah kaya lahat kami ay napatingin sakanya
"Ano yon?"
"Mm.. magpapaalam lang ako sainyo, bukas kasi ng gabi babalik na ako sa Cebu, pinapauwi na ako ni daddy"
Natahimik kaming lahat
Napatingin ako kay Ate Colet at kitang-kita ko yung lungkot sa mata nya
"H-Hindi kana babalik dito sa Manila?" malungkot na tanong ni Ate Colet
Nagkibit balikat si Ate Aiah
"Not sure eh..." napakamot sya sa ulo nya
Natahimik ulit kami
"Pero guys, thank you! Kasi naenjoy ko naman yung bakasyon ko dito! Masaya ako kasi nakilala ko kayong lahat! Shucks! Naiiyak ako! My ghhaawwdd!" sabi nya sabay pahid ng luha sa gilid ng mata nya
"Mamimiss ka namin ate Aiah!" sabi ni Sheena
Lumapit sya kay Ate Aiah at niyakap nya ito
"Ba yan! Ang drama natin ha!" sabi ni Ate Aiah habang nakangiti
Alam kong pinipilit nya na wag maiyak
Isa-isa ng lumapit yung nga kasama ko kay Ate Aiah para yumakap
Maliban sakin...
Hindi ko alam, nag-aalangan akong lumapit sakanya, siguro nahihiya parin dahil ilang araw palang naman kaming magkakasama
"Sulitin na natin to! Dito tayo matulog sa sala! Dapat tabi-tabi tayo!" sabi ni Ate Maloi
"Tama!" sang-ayon ni Ate Colet
"Tapos bukas kailangan sasama tayo sa airport para ihatid si Ate Aiah!" sabi naman ni Sheena
Aaminin kong nakaramdam ako ng lungkot
Nagkatinginan kaming dalawa ni Ate Aiah at nginitian nya ako, pero yumuko lang ako
"Mikha Lim! Hindi mo ba ako iha-hug?" tanong ni Ate Aiah kaya tumingin ulit ako sakanya
Nakapout sya habang nakatingin sakin
Bakit ang cute?!
Pilit akong ngumiti