Part 12

451 33 5
                                    

Deanna's POV

Nakita kong dumating na yung pinadeliver kong flowers para kay Jema kaya napangiti ako

Mas lalo akong natuwa dahil tinanggap iyon ni Jema

Heheh! Sana magustuhan nya!

Nakita kong itinabi nya yung flowers kaya kumunot yung noo ko

Hala!

"Ay... itinabi lang.." rinig kong sabi ni Maloi

Nakasilip din pala sya kay Jema

Inis akong sumandal sa upuan ko at ipinagkrus ko yung mga braso ko

Kainis! Hindi nya ba nagustuhan?!

Tumingin sakin si Maloi

"Oh, bakit nakabusangot ka nanaman dyan?"

Tumingin ako sakanya

"Wala!" sagot ko

"Sus! Wala daw... hahah!"

"Tsk! Magtrabaho kana nga, gusto mong tambakan kita ng trabaho??" inis na tanong ko sakanya

"Ay! Wag naman boss D! Kampi tayo diba? Kapag gusto mo ng tulong ko, nandito lang ako!" sabi nya kaya natawa ako

Bigla kong naalala yung banta ko sakanya dati na wala syang makukuhang bonus kapag hindi nya ako tinulungan na maalis yung feelings ni Jema sakin

Kaso hindi na natuloy yon dahil sa biglaang kasal namin ni Jema

"Talaga? Tutulungan mo ako?"

Tumango sya habang nakangiti

"Oo! Basta yung bonus ko ha!" sagot nya

Natawa nalang ako

Maya-maya pumasok si Tots dito sa office ko

"Deanna" tawag nya sakin

"Bakit?"

"Ay, ipapaalam ko lang sayo na sa makalawa na mag-i-start si Pangs dito--"

Kumunot yung noo ko

"Ano?!"

"Oh bakit?! Dalawa kaming nagdesisyon diba??" sabi nya

"Tsk!"

"Tapos sa Saturday may outing daw tayo, pawelcome back kay Jema at pawelcome kay Pangs..."

Mas lalo akong nainis

Bakit kasi kasama pa yon?!

"Hindi ako sasama!"

"Talaga??"

Tumango ako

"Wookkey! Edi masosolo ni Pangs si Je---"

"K.Fine! Sasama na!" putol ko sa sasabihin nya kaya natawa sya

"Pppfftt---" pagpipigil ng tawa ni Maloi kaya tiningnan ko sya ng masama

"Hahah! Tsk! Tsk! Tsk! Ayan yung sinasabi namin sayo dati Deanns... kung minahal at inalagaan mo sana si Jema dati edi sana wala kang problema ngayon!"

"Tama.." rinig kong bulong ni Maloi

"Malay ko ba na maiinlove pala ako sakanya?!"

"Matagal ka ng inlove kay Jema, ayaw mo lang tanggapin" sabi ni Tots

"P-Pano mo nasabi?"

Natawa sya

"Eh pano ba naman kasi, tuwing nakainom ka puro Jema yang bukang bibig mo! Kesyo 'Nakakainis si Jema!', 'Ang pangit ni Jema blablabla!', Hahaha! Pero yung totoo may nararamdaman kana sakanya, ayaw mo lang talagang tanggapin!" sagot nya

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon