Jema's POV
Pagkaalis ni Deanna nakipagkwentuhan lang ako kila Colet at Mikha, kung ano-anong napagkwentuhan namin kaya inabot kami ng hapon
Tumingin ako sa relo ko
4 PM na... anong oras uuwi si Deanna?
Kinuha ko yung phone ko para imessage sya
📱
From: Asawa koB, anong oras ka uuwi?
📱Napatingin ako kay Colet, naglalakad kasi sya pababa at may dala-dalang mga dress
Anong gagawin nya dyan?
"Miks, patulong naman"
Nilapitan sya ni Mikha
"Anong gagawin mo dyan?" tanong ni Mikha sakanya
"Ibebenta online, tulungan nyo ako ni Ate Jema, haha!" sagot nya
Ehh?
"Anong gagawin namin?" tanong ulit ni Mikha
"Wait... ito isuot mo to... sukatin mo, kapag nakita kasi ng mga tao na bagay sayo yan alam kong bibilhin nila yan, heheh!" sagot ni Colet sabay abot ng dress kay Mikha
"Basta may part ako dyan ha!" sabi ni Mikha
"Oo na! Hayaan mo, bigyan kita ng 500 kapag nabenta yan!" sagot ni Colet
Nakatingin lang ako sakanila, sinuot na ni Mikha yung dress
"Wow! Ang ganda!" sabi ko habang nakangiti
Nagsuot na din ng dress si Colet
"Bagay ba ate Jema?" tanong nya sakin
"Grabe! Ang gaganda nyo naman!" sabi ko
"Wait! Ito naman te suotin mo, magpipicture lang tayo" utos nya sakin
Napangiti ako
"Sige, wait!"
Ilang saglit lang at suot ko na yung dress
"Wow!! Ganda mo ate Jema!" sabi nilang dalawa kaya napangiti ako
"Wait, kailangan mag make up para maganda sa picture" sabi ni Mikha
Sinimulan na nila akong make up-pan
Ilang minuto pa yung lumipas at natapos na kami
"Ayan! Ganda!! Picture na tayo guys!" sabi ni Colet
Magpipicture na sana kami kaso biglang may tumawag kay Colet
"Wait lang sagutin ko lang to"
Lumayo sya samin ng kaunti
"Ang ganda natin ate Jema" sabi ni Mikha habang inaayos yung dress ko
"Oo ng--"
"ANO??!!"
Napatingin kami kay Colet
Anong nangyare??
"SAANG HOSPITAL YAN?!... SIGE! PUPUNTA AGAD KAMI!"
Tumingin sakin si Colet
"B-Bakit??"
Napalunok sya
"A-Ate Jema, s-si Ate Deanna n-nasa hospital!"
Kinabahan ako
"A-Ano??!! Saang hospital?!" tanong ko
"N-Nasa St. Lukes daw! Pumunta na tayo don!" sabi nya
Nakita kong naiiyak na din sya