Jema's POV
Nakatingin lang kami kay Deanna habang naglalakad sya pabalik sa office nya
"Mukhang suko na talaga sya" sabi ni Tots
Napalunok ako
"H-Hayaan nyo na sya, mas okay na din siguro to" sabi ko kaya sakin naman sila nakatingin ngayon
Umupo na ako at nagsimulang magtrabaho
"Ehem! Balik na tayo sa work!" sabi ni Bea
Ang bigat ng pakiramdam ko, aaminin kong nasasaktan ako sa pagbabalewala ni Deanna sakin
Yung feeling na pinapaubaya na nya ako sa iba...
Para akong tanga diba? Ako tong nagmatigas nung nagmamakaawa sya sakin dati pero ako parin pala yung masasaktan
Nag-init yung gilid ng mata ko
"Ate Jema, okay ka lang?" tanong sakin ni Aiah
Halata sa mukha nya na nag-aalala sya sakin
Pilit akong ngumiti
"Okay lang ako" sagot ko
Ngayon ko lang napansin na nakatayo parin pala si Pangs sa harap ko, nakatingin din sya sakin at halata sa mga mata nya yung lungkot
Maya-maya dumaan ulit sa tapat ko si Deanna, nakasunod sakanya si Mikha
Tumingin sakin si Mikha at nginitian nya ako, pero alam kong pilit yon
"Jema, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Pangs sakin
Tumingin ako sakanya
"Oo naman, ngayon na ba?"
"K-Kung pwede sana?"
"S-Sige, saan?"
"Mm.. sa office ko nalang" sagot nya
Nauna na syang naglakad
Mukhang alam ko na kung saan patungo to
Tumingin ako sa mga kaibigan ko
"Bes, maging totoo ka sa nararamdaman mo, wag mong pahirapan yung sarili mo" sabi ni Kyla sakin
Ngumiti ako
"Thank you"
Sumunod ako kay Pangs
Pagpasok ko sa office nya nakita kong nakaupo sya sa sofa
"Tara, dito ka sa tabi ko" sabi nya
Tumabi ako sakanya
"A-Anong pag-uusapan natin?"
Nakita kong namula yung mga mata ni Pangs
Huminga sya ng malalim
"Jema, titigil na ako sa pangliligaw sayo"
Tumingin sya sa mga mata ko
"A-Alam kong si Deanna parin yung nandyan sa puso mo... k-kahit hindi mo sabihin nararamdaman ko eh.."
Nangilid yung luha nya
Shit! Naiiyak na din ako!!
Tumingala ako saglit para pigilan yung luha ko
"S-Sorry..."
Umiling sya
"Hindi mo naman kailangan mag-sorry eh..."
Hinawakan nya yung kamay ko
"Alam ko din na gusto mo na akong patigilin diba? Yun yung gusto mong sabihin sakin nung nakaraan"