Part 11

506 31 4
                                    

After 5 months...

Deanna's POV

5 months na yung lumipas pero hindi parin bumabalik si Jema.

Medyo okay na din kami ng mga kaibigan nya

Pagdating naman sa pamilya ni Jema napatawad na din nila ako, hindi ako tumigil na humingi ng sorry sakanila

Inayos ko yung sarili ko, itinuon ko sa pagtatrabaho yung lahat ng oras ko, para kasi sakin mas mabilis yung araw kapag nagpapaka-busy

Kakarating ko lang dito sa office, napansin kong nagkukumpulan sila sa pwesto ni Kyla

"Good Morning!" bati ko sakanila

Sabay-sabay silang tumingin sakin

"Oh! Nandito kana pala Deanna, good morning!" bati sakin ni Tots

"Anong ginagawa nyo?"

"Wala, nagkukwentuhan lang, heheh!" sagot ni Cait

Tumango ako

"Aahh..."

"May hinihintay din kasi kaming bisita" sabi ni Sheena

Oo nga pala, dahil nagustuhan namin yung performance nila Sheena, Gwen at Jhoanna inabsorb na namin sila, kung baga niregular na namin silang tatlo

Ngumiti ako

"Talaga? Sino?" tanong ko

"Hello guys!!"

Dahan-dahang nawala yung ngiti sa labi ko

Bumilis din yung tibok ng puso ko

"Ayan na pala sya eh!" sabi ni Ate Bea habang nakangiti

Alam kong si Jema to kahit hindi ko lingunin

Hindi ako makagalaw, gusto kong humarap sakanya pero hindi ko magawa

"Jema!!"

Nagsitakbuhan yung mga kaibigan ni Jema, nabangga pa nga ako ni Ced

"Grabe namang transformation yan! Ang ganda mo bes!" rinig kong sabi ni Kyla

"Nangbobola ka nanaman!" rinig kong sabi ni Jema

"Ate Jema ang ganda mo na ngayon! Ang sexy mo!" rinig kong sabi ni Jho

Natauhan ako nang tapikin ni Tots yung balikat ko

"Nandyan na si Jema, heheh!" sabi nya

Lumapit sila Ate Bea kay Jema pero ako nakatalikod parin

Pakiramdam ko wala akong mukhang maihaharap sakanya, natatakot din ako sa magiging reaction nya..

"Hi Jema! Ang ganda mo ngayon ha!" rinig kong sabi ni Tots

"Thank you!"

"Sorry nga pala dun sa nangyare dati ha" sabi ni Tots

"Okay lang, ano kaba... nakalimutan ko na yon" sagot ni Jema

"Edi bati na tayo?" tanong ni Tots

"Oo naman!"

"Jema, tayo din ha, bati na tayo, heheh!" sabi ni Ate Bea

"Ikaw talaga Bei, matagal na yon, okay na ako" sabi ni Jema

Dahan-dahan akong humarap sakanila at nakita ko si Jema

Ibang-iba na sya ngayon, totoo ngang gumanda sya...

Pumayat sya, blonde pa din yung buhok nya pero mahaba na, mas lalo ding gumanda yung ngiti nya

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon