Jema's POV
Ilang araw ko ng hindi nakikita si Deanna, huli ko syang nakita ay yung nag meeting kami last week
Ang sabi ni Ced sakin pumupunta daw dito si Deanna pero sumasaglit lang daw, palagi na daw syang nasa site.
Nakabalik na din si Maloi galing sa bakasyon, pero palagi paring pumupunta si Mikha dito para bumisita, si Colet naman busy na din daw sa trabaho nya, last week palagi syang nandito kasi sya yung naging pansamantalang assistant ni Deanna, close na nga kami.
Oo nga pala, natuloy na yung dinner namin ni Pangs nung Friday... pero parang iniiwasan nya na mapag-usapan yung gusto kong sabihin sakanya...
Flashback...
Nandito kami sa restaurant ni Pangs
Napatingin ako sa kabilang table
Kahit may mga harang yung mukha nila alam kong sila yan!
Si Stacy yung nakayuko, hinaharangan nya yung mukha nya gamit yung mahaba nyang buhok, nahuhuli ko din sya na sumisilip samin paminsan-minsan
Si Sheena at Gwen naman yung nakaupo patalikod samin, pero kita kong naka open yung front camera ng cp ni Sheena at nakatutok samin 😏
Hayup talaga! 🥹🥹 gusto kong matawa!
Si Jho naman yung nagbabasa ng news paper, pero may kaunting butas yon at sinisilip nya kami
Detective yan??! Pero saan sya nakakuha ng news paper?!
Si Colet at Mikha naman may harang na menu sa mukha nila, pero tulad ni Stacy nahuhuli ko din silang sumisilip
Kapag kayo nagkakulatoy! 😏
Pero anong ginagawa nila dito?!
Nandito yung dalawang pinsan ni Deanna, hindi kaya inuutusan nya na bantayan ako??
Napailing ako
Assuming ka Jema!
"Ehem! Okay ka lang Jema?" tanong ni Pangs sakin
Tumingin ako sakanya
"Oo naman, heheh! Ay, may sasabihin pala ako sayo Pangs"
Kinabahan ako, hindi ko kasi alam kung pano to sasabihin sakanya...
"Hahah! Kaen muna tayo!" sabi nya
"S-Sige" sagot ko
"Kapoy nako bai! Piskit!" rinig kong sabi ni Colet kaya natawa ako ng palihim
Bakit kasi hindi sila mag-order ng pagkaen?!
"Sshh! Ang ingay nyo! Kapag tayo pinalabas dito ha!" rinig kong sabi ni Jho
"Nakakagutom naman kasi tong nasa menu!" sagot ni Colet
Pagkatapos namin kumaen ni Pangs nagsalita ulit ako
"Pangs, may sasabihin ako sayo"
Natawa sya
"Hahah! Kinakabahan naman ako Jema, sasagutin mo na ba ako?" tanong nya
"A-Ahh--"
Ring! Ring! Ring!
Tumunog yung phone ni Pangs
"Wait lang Jema ha"
"Sige lang" sagot ko
Lumayo sya saglit kaya tumingin ulit ako sa mga bata! 😏