Part 20

781 47 15
                                    

Deanna's POV

Nagmamadali akong umuwi ng bahay

Kalahating oras lang kasi yung lumipas simula nung umuwi si Colet pero tumawag agad sya

Nag-aalala ako!

Flashback...

Habang nagtatrabaho ako biglang tumunog yung phone ko

***Colet Calling***

Tsk! Ano nanaman kayang problema nito?!

"Hell--"

"Ate Deanna!! Umuwi ka dito sa bahay mo! Dali! May nakapasok na magnanakaw!"

Kumunot yung noo ko

"Ano?!"

"Nakita ko syang pumasok dito! Habang nakatalikod sya pinalo ko sya sa ulo!! Tumawag kana din ng pulis! Bilisan mo habang wala syang malay!!"

Tumayo ako at agad na lumabas ng office

Sumakay ako ng sasakyan ko at nagdrive pauwi

Habang nagdadrive ako tumawag na din ako sa admin ng village namin para mapuntahan ng guard

End of Flashback...

Shit! Sana okay lang si Colet!!

Maya-maya nakarating na ako sa bahay namin, may mga guard at police na din sa harapan

Dali-dali akong bumaba ng sasakyan, sinalubong naman ako ng isang guard

"Mam, wala paring malay yung nakapasok sa bahay nyo"

Kumunot yung noo ko

"Bakit hindi nyo pa hinuhuli?! Pano kapag nanakit sya?!" sermon ko habang naglalakad papasok sa bahay

"Eh kaso po--"

"Ate Deanna!! Huhu! Buti nakarating kana! Ayan yung magnanakaw oohh!!" sabi nya habang nakaturo sa nakahiga sa sahig

Nakita ko yung babae na nakahiga at walang malay

Nanlaki yung mata ko

"M-Miks?!!"

Agad akong lumapit sakanya at kinarga ko sya papunta sa sofa

"Miks!!" tawag ko sakanya habang tina-tap yung pisngi nya

"Ate Deanna, kilala mo?!" tanong ni Colet

Tumingin ako sakanya

"Pinsan ko to!" sagot ko

Napanganga si Colet

"Pinsan mo yan?! As in cousin?!!" tanong nya

Napailing nalang ako pagkatapos tumingin ulit ako kay Mikha

"Mmmmm!!!" daing nya habang nakapikit at nakakunot noo

Nakahinga ako ng maayos dahil may malay na sya

Pheew! Mabuti nalang!

Lumapit ako sa mga guard at police

Nakakahiya...

"Sir, sorry po sa istorbo, napagkamalan lang po na magnanakaw" sabi ko sakanila

"Yun naman pala eh, sige po, aalis na kami"

"Pasensya na po ha..."

Nang makaalis sila bumalik ako sa loob

Nakita kong pilit na umupo si Mikha

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon