Part 5

411 24 0
                                    

Jema's POV

Pagkaalis ni Deanna tinawagan ko sila Cait, Ate Mela, Ced at Kyla, sinabi ko sakanila na magkita kami sa coffee shop ni Ate Mela, ibibigay ko din kasi yung mga pasalubong ko sakanila

Agad akong naligo at nagbihis, isang oras pa yung lumipas at nandito na ako sa coffee shop ni Ate Mela, nandito na din sila Cait

"Kamusta naman yung honeymoon??" tanong ni Ate Mela sakin

Napanguso ako

"Ayon! Nganga!" sagot ko sabay upo sa tabi ni Kyla

"Malamang nagluluksa si Deanna dahil kinasal sya sayo!" sabi ni Ced kaya inirapan ko sya

"Ang sama mo!" sabi ko

"Totoo naman kasi Jema! Halata naman na hindi sya masaya!" sabi naman ni Ate Mela

Alam ko naman yon, hindi ako manhid...

"Mm.. b-baka naninibago lang sya?"

"Tsk! Sige, lokohin mo pa yang sarili mo!" sermon ni Cait sakin

Napayuko ako

"Oo na... a-alam ko naman eh, alam kong hindi ako mahal ni Deanna, hindi ko din alam kung anong dahilan nya kung bakit nya ako inayang magpakasal..."

Natahimik yung mga kaibigan ko

"Pwede akong tumanggi nung time na nagpropose sya sakin, p-pero kasi... pero kasi i-ito yung gusto ng puso ko eh..."

Agad na nangilid yung luha sa mga mata ko

"Jema, ayaw ka lang namin masaktan, hindi mo kasi pwedeng ipilit yung isang tao na mahalin ka" sabi ni Cait

"P-Pero pwede naman matutunan diba?" tanong ko

"Hay naku Jema, kailan ka kaya matatauhan?" tanong ni Ate Mela

"Sinabi ko naman sayo dati diba? Titigil lang ako kapag napagod na yung puso ko" sagot ko sakanya

Napailing nalang sila

Alam kong dismayado sila dahil sa pagpayag ko sa alok ni Deanna. Yung totoo nyan bago kami ikasal ni Deanna panay yung advice nila sakin, pero mas sinunod ko parin yung puso ko.

"Basta kapag may naging problema o sinaktan ka ni Deanna wag mong kakalimutan na nandito lang kami" sabi ni Kyla sakin

Pilit akong ngumiti

"Thank you.."

Madilim na nang maghiwa-hiwalay kami, bago ako umuwi nag-grocery muna ako, gusto ko kasing lutuan si Deanna ng dinner, lulutuan ko din sya bukas ng baon nya

Pagkatapos kong maggrocery umuwi na ako

Wala parin si Deanna nang makarating ako sa bahay namin

Baka nag-eenjoy pa sya kasama sila Bea

Napangiti ako

Lulutuan ko nalang sya ng dinner...

Inayos ko yung mga pinamili ko pagkatapos nagluto na ako ng dinner namin

Sana magustuhan nya yung luto ko 😊

Napapakanta ako habang nagluluto

"🎶Bakit nga ba mahal kita kahit 'di pinapansin ang damdamin ko 'di mo man ako mahal ito pa rin ako nagmamahal nang tapat sa 'yo...  mmm... mmmm...🎶"

Isang oras pa yung lumipas at tapos na akong magluto pero wala parin si Deanna

Tumingin ako sa relo ko

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon