Part 7

400 24 9
                                    

Deanna's POV

Nagsinungaling ako kay Jema, yung totoo nyan magbabakasyon kami ni Carly sa Palawan.

Bigla kong naalala yung mukha ni Jema kanina at aaminin kong nakaramdam ako ng awa sakanya

Napabuntong hininga ako

Bakit ako naaawa sakanya? Wala naman akong pake diba??

Habang nagdadrive ako biglang tumunog yung phone ko kaya kinuha ko iyon

Si Carly...

"Hello?"

"Deanna, sorry, hindi na tayo tuloy, nagkaroon kasi ng emergency sa bahay eh, pasensya na ha"

Napahawak ako sa ulo ko

"G-Ganon ba? A-Anong emergency ba yan?"

"Ano kasi, dinala si daddy sa hospital" sagot nya

"Ganon ba? Sige, next time nalang"

"Pasensya na talaga ha, bawi ako next time" sabi nya pagkatapos binaba na nya yung tawag

Wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa bahay

Maya-maya nagring ulit yung phone ko

Mabilis kong kinuha iyon, baka kasi si Carly ulit, baka nagbago yung isip nya

Kaso...

***Tots Calling***

Tss! Ano kayang kailangan nito??

"Hello!"

"Deanns, pinatawag kasi ako ni Ate Bea sayo, heheh!"

"Bakit?"

"Nag-aaya kasi sya ng bakasyon, dun daw sa farm nila bukas, wala naman pasok bukas diba? Sama tayo, partner-partner daw, ikaw, Jema, Ako, Ced, Ate Mela, Kaye, tapos Ate Bea at Cait" sabi nya

Napakamot ako sa noo ko

"Pano kung ayaw ko??" tanong ko sakanya

"Edi kalimutan mo ng may kaibigan ka Deanns, minsan na nga lang eh" sabi nya

"Bakit kasi kasama pa si Jema?"

"Malamang! Asawa mo yon! Kailangan nya ding magrelax!" sagot nya

Bumuntong hininga ako

"Pag-iisipan ko..." sagot ko

"Hays! Update mo ako ha!"

"Oo! Sige na, nagdadrive ako eh!"

Ilang sandali lang at nandito na ako sa bahay

Naglakad ako papasok at agad na bumungad sakin si Jema na natutulog sa sofa

Naglakad ako palapit sakanya

Sanay na siguro sya na dito natutulog?  Ipapaayos ko nga next time yung kabilang kwarto...

Kapag nalaman to ni daddy alam kong magagalit sya...

Pinagmasdan ko si Jema

Halata sa mukha nya yung stress

Inayos ko yung kumot nya

Sige na nga, isasama na kita bukas...

Kinuha ko yung phone ko at tinext si Tots na punapayag na ako, nang maisend ko iyon nagpunta na ako sa kwarto ko

KINABUKASAN...

Nagulat ako dahil paggising ko nandito sila daddy

"Anak, kamusta kayo dito?" tanong nya sakin, nandito kami sa dining area at sabay-sabay nagbi-breakfast

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon