Part 1

1.2K 33 9
                                    

Guys, dito muna tayo, ito yung sinasabi ko 😅😅 Sana magustuhan nyo, medyo naguguluhan ako sa story na to eh, hahaha dinagdag ko kasi yung mga jowa ko... 😂😂

***************

Jema's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga habang nakatingin sa picture namin nung grumaduate kami ng college.

4 years na din pala yung nakalipas...

Flashback...

"Jema! Bilis! Lapitan mo na sya!" sabi ni Ced

"Iihh! Nahihiya ako!"

"Ngayon ka pa ba mahihiya?! Gagraduate na tayo oh! Magtatapat ka lang naman eh!"

Tinutulak ako nila Cait palapit sa crush ko

"Kailangan pa ba?! Eh diba halos lahat ng tao dito sa school alam naman na gusto ko sya?!" sabi ko habang naka-pout

"Eh! I-try mo ulit, baka kasi sobrang manhid nya! Hahah!" sabi ni Cait sabay tulak sakin

"Ano ba! Nakakahiya talaga!"

"Hindi yan! Pakipot ka pa eh! Hahah! Gusto mo din naman!" sabi ni Ate Mela

Tumingin ako sakanya at ngumiti

"Okay! Basta kunware tinulak nyo ako palapit sakanya ha!"

"Oh diba?! Ang landi mo din eh! Sige na, itutulak kana namin ha!"

Bigla akong tinulak nila Cait papunta sa crush ko, nakatalikod kasi sya sakin at nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nya

"Arayy!"

Tumingin sya sakin kaya nagtama yung mga mata namin, agad akong ngumiti ng pagkatamis-tamis

"Ay! Sorry! Natulak namin si Jema eh" pagsisinungaling ni Cait

"Oh! Sila Jema pala to eh" sabi ni Bea

Nakakunot noo yung crush ko habang nakatingin sakin

"Ano nanaman bang kailangan nyo?!" tanong nya

"A-Ahh... D-Deanna, a-ano--"

"Ano?!"

Tumayo ako ng maayos

Yung totoo kahit galit sya kinikilig parin ako!

"Eheheh! A-Ang init naman ng ulo mo, heheh!" sabi ko habang nag-aayos ng buhok

"Sinong hindi iinit yung ulo eh ikaw nanaman yung nasa harap ko!" bulyaw nya sakin

"Deanna..." saway sakanya ni Bea, kaibigan nya, pero hindi sya pinansin ni Deanna

Yep! Maria Deanna Izabella Wong, sya lang naman yung kaisa-isahang crush ko, siguro nga hindi na crush to dahil matagal ko na syang crush, since elementary pa yata, heheh!

Oo bisexual ako, nagkakagusto ako sa mga babae, ewan ko ba, ang lakas ng dating ni Deanna para sakin, at ang lakas din ng tama ko sakanya!

"Deanna, natulak lang naman talaga namin sya eh" sabi ni Ced

"Natulak?! Tapos sakto sakin?!"

"A-Ano, Deanna, may s-sasabihin lang kasi ako sayo, heheh!" sabat ko

"Ano yon?!"

"Aahh, hehehe! Kasi ano--"

"Ano??!"

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon