Part 9

386 20 2
                                    

Jema's POV

Nandito ako ngayon sa hospital kung saan ako dinala ni Pangs

"Oh, Jema, mabuti naman at pumunta ka dito, may problema ba?" tanong sakin ni Dra. Mitch

"Ah, magpapacheck up lang sana ako, medyo kumikirot kasi yung tiyan ko eh"

"Ganon ba? Ano ba yung mga ginagawa mo?"

"Galing po kasi kami sa Batangas, sinama ako ng asawa ko" sagot ko

"Ganon ba? Baka napagod ka, tara ichecheck kita"

Naglakad kami papunta sa laboratory room

"Bakit nga pala hindi mo kasama yung asawa mo?"

"A-Ahh, b-busy sya eh" sagot ko

"Mmm.. ang bad naman, dapat kahit gaano sya kabusy dapat sinasamahan ka nya"

Ngumiti lang ako

Sinimulan na nya akong icheck

Maya-maya

"Jema, simula ngayon kailangan mo ng mag-ingat, bawal ka ng magtrabaho ng mga mabibigat, bawal ka ding ma stress"

Kumunot yung noo ko

"B-Bakit po?"

"Kasi hindi malakas yung kapit ng baby mo, may chance na makunan ka"

Kinabahan ako dahil sa sinabi nya

"Kapag sumakit ulit yung tiyan mo pumunta ka lang dito, okay? Tuturukan kita ng pampakapit"

Tumango ako

"Thank you po" sabi ko

Binigyan din ako ng pansamantalang gamot ni Dra. Mitch, sinabi nya din sakin na kumaen ako ng mga masusustansyang pagkaen

Agad kong binili yung gamot pagkatapos umuwi na ako

Hindi maalis yung pangamba ko, nag-aalala ako sa baby ko

Nagmessage ako kay Deanna na dito muna ako kila papa titira, mas mabuti na meron akong kasama sa bahay, kapag doon kasi ako umuwi sa bahay namin wala akong kasama, mahirap na kapag may nangyare sakin na masama

Hindi ko pinaalam sa pamilya ko na buntis ako.

Lumipas pa yung ilang araw...

"Anak, kailan ka babalik sa bahay nyo? Baka hinahanap kana ni Deanna?" tanong ni mama sakin

Ngumiti ako

"Nagpaalam naman po ako sakanya" sagot ko

"Eh baka naman wala ng nag-aasikaso sakanya? Baka hindi mo nagagampanan yung pagiging asawa mo sakanya ha"

Pilit akong ngumiti

Kung alam mo lang ma...

"Mamaya po pupunta ako sa office nila, dadalawin ko din po kasi yung mga kaibigan ko don" sagot ko

"Sige, nagpaluto ako kay manang ng pagkaen, magdala ka para kay Deanna" sabi ni mama

"Opo"

Napayuko ako

Kahit naman dalahan ko sya ng pagkaen alam kong hindi nya yon kakainin

Nalaman ko kasi na tinatapon lang ni Dean yung baon na inihahanda ko para sakanya

Nalaman ko yon dati noong pumunta ako sa office nila at nay dala akong pizza

Flashback...

"Guys, CR lang ako ha" paalam ko sakanila

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon