Part 4

398 19 0
                                    

Jema's POV

Tinulungan ako ni Stacy tumayo

"Okay ka lang?" tanong nya sakin, tumango lang ako

"Anong nangyare? Bakit nag walk out yon? B-Bakit ang tahimik nyo?" tanong ni Tots

Hindi nya nga pala nakita yung nangyare kasi nakatalikod sya

"Hahah! Sayang Tots, hindi mo nakita yung nangyare, hahah!" sabi ni Bea

Napahawak ako sa lips ko

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nagdikit yung mga labi namin ni Deanna

Napalunok ako

A-Ang lambot...

Ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko

"Bakit?! Anong nangyare?!" tanong ni Tots

"Secret! Hahah!" sagot ni Bea

"Hala! Ang daya! Pero okay lang, atleast panalo kami, hahah!" sabi ni Tots

Lumapit sakin sila Jho

"Ate Jema, anong pakiramdam? Hahah!" tanong nya

"Parang nanalo na din pala si Ate Jema, hahah!" sabi ni Gwen

Napangiti ako

"Hala sya! Baliw na talaga to..." rinig kong sabi ni Kyla

Niyakap ko si Sheena

"Ang sarap sa pakiramdam! Hehehe!" sabi ko

Yung totoo kinikilig ako

"Ayyiiee!! ate Jema oh, mas lalong na fall!" asar sakin ni Sheena

Inasar lang nila ako maghapon, hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko

Hindi din maalis yung ngiti sa labi ko

Dahil sa nangyare hindi na lumabas si Deanna sa room nila

Hindi nadin nasundan yung laro kanina kaya naman naligo nalang kami sa dagat

Kinagabihan, pagkatapos kong kumaen napagpasyahan kong maglakad-lakad sa tabing dagat para bumaba yung kinaen ko, kaso hindi ko inaasahan na makakasalubong ko si Deanna

Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko

"D-Deanna, nandito ka pala, kumaen kana?" tanong ko sakanya

Napalunok ako dahil ang sama ng tingin nya sakin

"Ang saya mo no?! Akala mo ba nagustuhan ko yung nangyare kanina?!"

Napayuko ako

"Mas lalo akong nainis sayo dahil sa nangyare kanina! Tandaan mo Jema, hindi kita gusto! Pangit ka parin sa paningin ko!" sabi nya pagkatapos naglakad na ulit sya, pero bago sya lumagpas sakin binangga nya ako

Nakagat ko yung labi ko

KINABUKASAN...

Gabi na nang makauwi kami dito sa Manila

Dahil sa sinabi ni Deanna kagabi napalitan ng lungkot yung saya na naramdaman ko kahapon

"Bes, okay ka lang?" tanong sakin ni Kyla habang kinukuha yung gamit nya

Tumango ako

"Oo, okay lang ako" sagot ko

Maya-maya nagpaalam na ako sakanila, hindi ko na din kinulit si Deanna kasi baka mas lalo syang magalit

Nang makauwi ako sa bahay namin...

"Hala! Sino ka?! Maaaaa! May nakapasok na magnanakaw!" sigaw ni Mafe kaya binatukan ko sya, "Araaayy!!"

HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon