Statement of Z2N's Road Manager Antonio dela Cruz:
"Nag-start ang program ng six pm. Sila ang unang nag-perform. Hindi 'yun ang original na plano. Ang nakalagay sa program flow ay sila dapat ang pinakahuling magpe-perform dahil sila ang pinakasikat sa lineup. Pero... nag-insist 'yung buong banda na sila na lang ang pinakauna para daw maagang matapos at makapagpahinga. Alam n'yo kasi, sunod-sunod ang gig nila sa iba't-ibang bayan.
Hindi lang sila ang pagod, kami rin na mga kasama nila. Kaya ginawan ko ng paraan na mauna silang mag-perform.
Wala pang thirty minutes, natapos nilang i-perform ang apat nilang hit songs. Pagkatapos no'n, dumeretso kami sa Lean's Restobar. Walking distance lang sa Aurora Garden. Kumain kami doon.
Mga around... seven thirty, nagpaalam na 'yung apat na alaga ko. Mauuna na daw sila sa hotel.
Tapos bumalik ako sa Aurora Garden para panoorin pa 'yung ibang performer. Pero hindi rin ako nagtagal doon, kase nakaramdam ako ng pagod. Pagdating ko sa parking lot, kung saan supposedly ay naka-park ang company van, si Kuya Nestor lang ang nadatnan ko. Wala 'yung sasakyan."
Statement of Z2N's Driver Nestor de Vera:
"Yes, ma'am, sir. Kumain nga po kami sa malapit na kainan sa Aurora Garden. Nilakad lang namin 'yun. Ako 'yung unang natapos kumain sa aming lahat. Ako rin ang unang lumabas para manigarilyo. Ganu'n ho kasi talaga ako. Hindi pwedeng walang sigarilyo pagkatapos kumain. Pakiramdam ko hindi ako matutunawan kapag hindi ako nakapag-yosi.
Eh, pagkamalas-malas ko noon at wala pala akong dalang pakete. Kaya pinuntahan ko 'yung sasakyan sa parking. Eh, malas pa rin talaga at nawawala ang itinago kong stock sa ilalim ng driver's seat. Alam ko, si Sir Zach na naman ang kumupit no'n. Malimit 'yung mang-agaw ng yosi. Marlboro Lights rin kasi ang tinitira nu'n.
Kaya naghanap ako ng tindahan. Bumili ako ng isang pakete ng Marlboro Lights. Doon na rin ako sa tindahan nagpalipas ng oras. Kako eh tatawagan naman ako ni Sir Tonyo kapag lalarga na kami.
Hindi ko alam mga anong oras na ako bumalik sa parking. Pagdating ko doon, nawawala 'yung sasakyan.
Tapos s'yang dating rin ni Sir Tonyo. Nagtanungan kami kung sinong tumangay. Eh, pagkapa ko sa bulsa ko, nawawala rin 'yung susi!
Kinontak ni Sir Tonyo si Clarisse at Rica."
Statement of Z2N's Personal Assistant Clarisse Gutierrez and Stylist Rica Salazar:
"Pagkatapos po naming kumain, naglakad-lakad po kami sa labas. Nakarating kami sa bazaar na puro souvenir ang tinda. Nagtingin-tingin po kami doon. Tapos bigla na lang pong dumaan 'yung company van namin. Akala po namin iniwan na kami," saad ni Clarisse.
"Ang sabi ko po kay Clarisse, hayaan na namin. Mamaya na lang po kami babalik sa hotel. Pwede naman po kaming mag-taxi eh. Tapos maya-maya po tumawag na si Sir Tonyo. Hinahanap po sa amin 'yung van," saad naman ni Rica.
BINABASA MO ANG
LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]
Mystery / ThrillerCriminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...