Chapter VI - Boromeo's Lies and Alibi

86 8 3
                                    

Evident ang confusion sa puzzled na mukha ni Boromeo dahil sa biglaang pagngisi ng profiler sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Evident ang confusion sa puzzled na mukha ni Boromeo dahil sa biglaang pagngisi ng profiler sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon nito sa sagot niya.

Or maybe he knew why. Pero para sa kanya ay imposibleng ganoon kabilis makatunog ang dalaga. Iyon ang unang beses na nagkita at nagkausap sila, hindi siya nito kilala ng personal at ganoon rin siya, kaya't napakaimposible.

Hindi rin nagtagal ay naglaho ang ekspresyon na iyon ni Jiwon at napalitan ng exhaustion at frustration ang boses nang sinundan ang tanong, "Bakit mo ginagawa 'to?" Animo'y sawa na siya sa ganoong sitwasyon.

"Anong... Anong ibig mong sabihin?" Utal ang boses ni Boromeo dahil sa narinig. Ganoon pa man ay sinubukan niyang panatilihin ang sariling composure. Naisip niya na hindi dapat siya nagpapaapekto doon.

"Hindi putol ang hinlalaki sa paa ni Kianna. Hindi mo 'yon alam dahil hindi ikaw ang pumatay sa kanya." Sumandal si Jiwon at napabuntong-hininga. "Ganito lang kadaling i-dentify na nagsisinungaling ka. Ano bang klaseng pag-iimbestiga ang ginawa sa 'yo ng mga pulis?"

"H-Hindi... Ako talaga ang pumatay sa kanya. Maniwala ka. Ako ang pumatay sa kanya. Pinatay ko si Kianna."

Kitang-kita ni Jiwon ang pag-waver ng mga mata nito, pamumuo ng butil-butil na pawis sa noo, at ang hindi mapakaling mga binti. Kaya naman ipinagpatuloy niya ang pagtatanong, "Kung ganoon, anong ginamit mong bagay na pang-transport sa katawan niya patungo sa puno ng banyan?"

Thinking it was another tricky question, he answered, "Hindi ko siya ginamitan ng kahit na anong pang-transport. Kinaladkad ko siya patungo sa puno."

"Bakit ka gumamit ng pulang marker sa pagguhit ng smiley face sa tape sa mukha niya?"

"'Yun lang ang meron ako sa mga oras na 'yon, pulang marker."

"Tatlong tanong na pare-parehong mali ang sagot mo. Malinis ang katawan ni Kianna at imposibleng kinaladkad siya. At ang marker na ginamit ng killer ay hindi pula kundi kulay itim."

Tila nabasag ang manipis na facade na nakaharang kay Boromeo. Pakiramdam niya ay natalo siya sa isang chess match. Hindi niya nagawang i-outwit ang matalinong profiler.

"Paninindigan mo pa rin ba na ikaw ang pumatay sa kanya? Mag-isip-isip ka. Hindi ka ba naaawa kay Kianna? Alam kong minahal mo siya, pero heto ka, nagiging hadlang sa pagkuha niya ng tamang hustisya. Dahil sa 'yo, wala ng naghahanap sa totoong pumatay kay Kianna. Habang nandito ka sa loob, nasa labas ang totoong pumatay sa kanya, malaya, at hindi malabong may sumunod na biktima. Alam kong hindi mo 'yon gusto, Boromeo."

"Pero hindi na sila makikinig sa akin," nabasag ang boses ni Boromeo habang walang patid ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. "Inamin ko na ako na ang responsable. Wala nang makikinig sa akin. Ginawa ko lang naman 'to kase... Kase may mga humahabol sa akin na grupong pinagkakautangan ko. Gusto nila akong patayin. Naisip ko na dito sa loob ng kulungan hindi nila ako magagalaw. Ligtas ako dito."

LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon