Chapter XIX - Andres And His Obras

234 8 2
                                    

"Are you sure, hija? Babagsak na ang ulan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Are you sure, hija? Babagsak na ang ulan. Bakit hindi ka na lang magpababa sa mismong laundry shop?" Kung ang Commissioner General lang ang masusunod ay hindi niya hahayaan na bumaba ang anak sa highway na tinigilan nila. Ngunit katulad nang dati ay nanatiling matigas ang desisyon ni Jiwon.

"Okay lang po, Pa. Maraming taxi na dumadaan dito. Mabilis po akong makakauwi." Kalmado ang boses niya, bagamat sa ilalim noon, mayroong sense of urgency na nakatago.

Jiho narrowed his eyes. Pansin niya na tila may kakaiba sa ikinikilos ng dalaga mula nang makaalis sila sa private island. Sandali niyang iginala ang paningin sa mga establishments sa paligid. Sa pagkakaalam niya ay walang malapit na laundry shop doon. Jiwon must be lying. Kung hindi niya lang kilala ang dalaga ay maniniwala siya sa mababaw na alibi nito. Ngunit dahil sa ilang taon na niya itong kilala, sigurado siya na hindi laundry shop ang totoong pakay nito sa intersection na tinigilan nila. Huminto ang naghihinala niyang mga mata sa signage na 'Hostaria Correctional Facility -> 1 km'. Naisip niya na mas kapani-paniwala pa na doon ang totoong destinasyon ng profiler. Kung sino man ang bibisitahin nito sa pasilidad ay wala siyang ideya. Isama pa na sigurado siyang tapos na ang visitation hours. Tila magsasayang lang ng oras ang dalaga at wala na siyang pakialam doon. Bagkus ay inabutan pa niya ito ng payong bago ito lumabas ng sasakyan.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi mo," habilin ng ama habang nakasilip sa bintana.

"Opo, Pa. Kayo din po." Nagbigay si Jiwon ng isang tipid na ngiti at hinintay niyang makaalis muna ito bago tinahak ang direksyon patungong Correctional.

Tama ang binata, hindi laundry shop ang pakay niya sa lugar na iyon kundi ang Hostaria Correctional Facility kung saan naroon ang psychopath na si Andres Gonzales. Mula nang makita niya kung paano ipininta ng kalangitan at dagat ang animo'y replica ng painting ni Andres ay hindi na siya makapaghintay na makaharap ito.

The sky was already an ominous gray, the thick clouds rolling in fast as if threatening to swallow the city. Humigpit ang pagkakakapit niya sa payong at carrier bag ni Meadow nang matanaw niya ang looming gates ng pasilidad.

It didn't take long before she found herself standing before the facility's iron gates.

"Ma'am, gabi na po. Tapos na ang visiting hours," bungad sa kanya ng guard.

"I know," sagot ng dalaga. "Pero pwede bang pakisabi kay Andres Gonzales na nandito ako?" Malakas ang kutob niya na tila password ang pangalan ng psychopath.

Nakumpirma niya iyon nang bahagyang namilog ang mga mata ng gwardiya sa narinig na pangalan. He leaned closer to the mirror between them to get a better look at her. "Kayo po ba si... Profiler Jiwon Natividad?"

"Ako nga." She handed him her identification card and saw how his face showed recognition.

"Sige po, Ma'am, pasok na po kayo."

LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon