Chapter VIII - An Intimate Way To Kill

113 8 0
                                    

Jiwon lifted her gaze toward the face of the man who closed the door before she could even get a chance to walk outside

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jiwon lifted her gaze toward the face of the man who closed the door before she could even get a chance to walk outside. Kung kaya niya lang basahin ang litanyang nakasulat sa makisig na mukha nito ay nagawa na niya, nakaisip na sana siya ng mga isasagot dito, pero hindi. Hindi niya maintindihan kung ano pang nais nitong sabihin sa kanya matapos nilang magsagutan sa harap ng mga team members nito at ng COP. Mayroon pa ba silang dapat pag-usapan? Sa palagay niya ay wala na.

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan niya habang nilalabanan ang titig ng binata. "May sasabihin ka pa ba?" Sa tono niya ay tila ubos na ang baon niyang pasensya.

"Kaya mo na ba talagang humawak ng murder case?" may hint ng pag-aalala ang mahinahon na boses ni Jiho ngunit tila hindi iyon napansin ng dalagang kaharap.

"Kailangan ko pa bang magpakita ng letter from my doctor stating na fit to work na ako?"

"Kung posible gusto kong makita."

She gasped at his reply. Ano pa nga bang inaasahan niyang isasagot nito? She looked away for a second in disbelief and returned her hardened gaze to him with clear defiance showing on her face. "Alright. I'll ask for another copy since I already passed the first one to Chief Baltazar. Okay na?"

Noon lang inihiwalay ng binata ang tingin sa dalaga. Tumungo ito at marahan na napatango sa narinig. It was good news if what she said was all true. "You should. Ako ang team captain ng unit na kinabibilangan mo ngayon at responsibilidad ko na siguraduhing makakapag-function ang lahat nang walang problema."

"You know what? In my ears, you're basically saying na magiging hindrance lang ako sa team mo."

"I never said that."

"You did. You just did it with your obnoxious way of asking for a fit-to-work evidence."

"Fine. Wala naman akong magagawa kung iyon ang naging interpretation mo sa sinabi ko. 'Di ba't 'yang sarili mo lang naman talaga ang pinaniniwalaan mo?"

"Excuse me?" hindi makapaniwalang reaksyon ni Jiwon.

Imbis na sagutin ang dalaga ay binuksan ni Jiho ang pinto at pang-asar na sinabing, "Daan na."

Jiwon gasped hard as she walked past him on the doorway. Sa labas ng silid na iyon ay kita niya ang mga obvious actions ng mga detective na halatang nakikinig sa pag-uusap nila sa loob kanina. Dinaanan niya lang ang mga ito at sa corridor ay nakasabay niya si Ranzel sa paglalakad na tila hinintay siya mula sa loob ng opisina.

"Pupunta ka ba ngayon sa crime scene?" tanong ni Ranzel na para bang matagal na niyang kakilala ang dalaga.

Pinindot ni Jiwon ang down button ng elevator at sinabing, "Yes, I need to."

"Can I tag along? Kulang pa kasi ang shots ko."

The elevator door opened and they both went inside.

"Just don't bother me when we get there. Do your job and I'll do mine," Jiwon coldly said.

LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon