Mahigit dalawang oras na ang nakalipas mula nang matapos tumugtog ang bandang Z2N sa Aurora Garden. Iba't-ibang guest artists na rin ang nakapag-perform at tuloy pa rin sa pagsasaya ang mga tao. Tila ang lahat ay walang balak umuwi sa gabing iyon.Hindi rin sana matitinag si Kaycee sa panonood, ngunit wala siyang nagawa nang sapilitan siyang higitin ng ama palabas ng tumatalon at nagsisiksikan na manonood.
Nakasimangot siyang nagpadala sa hila ng ama patungo sa taxi kung saan kabababa lang ng pasahero. "Oh!" reaksyon niya nang makilala ang taong iyon. Dahil na rin sa gulat at pagtataka ay mabilis siyang nahigit ng ama pasakay sa naghihintay na taxi.
"H'wag ka nang magalit d'yan, 'nak," malambing na pag-amo ni Detective Tunying sa nakangusong dalagita, habang humaharurot ang taxi sa kahabaan ng Aurora Highway. Swerte at walang gaanong sasakyan na dumadaan doon, at mukhang mapapabilis ang pagdating nila sa destinasyon. "Tapos naman nang kumanta ang mga idol mo ah. Hindi na natin kilala 'yung mga kumakanta ngayon-"
Sinamaan ng tingin ni Kaycee ang ama. "Baka ikaw hindi mo kilala, kase member ka ng boomer society."
"Boomer? Ako, boomer? Millennial 'tong tatay mo-"
"Whatever! Bakit kasi hindi n'yo na lang ako iwan sa Aurora Garden?! Nando'n naman 'yung mga classmates ko eh."
"Hindi pwede, 'nak. Delikado ang panahon ngayon. Maraming masasamang loob ang pagala-gala."
"Eh di hulihin n'yo sila! 'Di ba trabaho n'yo 'yun?"
Sa pagtitimpi ni Tunying sa makulit na anak ay napasabunot siya sa sariling buhok at napabuntong hininga, bago mahinahon na sumagot, "Tama ka, trabaho ko 'yun. Kaya nga pupunta tayo ngayon sa trabaho ko."
"Eh bakit kasi kasama pa ako?! Dapat hinatid n'yo muna ako sa bahay bago kayo pumunta d'yan sa trabaho n'yo!"
"Kaycee, 'nak, nasa kabilang daan ang bahay natin. Opposite directions. East 'yun, west 'to, 'di ba pinag-aaralan n'yo 'yun sa school?"
"Ewan ko sa 'yo, tay."
"Basta makinig ka na lang sa sasabihin ko kapag nandoon na tayo. H'wag kang pasaway du'n ha? Crime scene ang pupuntahan natin."
Nginibitan na lang ni Kaycee ang ama. Tila natanggap na niya na wala na rin naman siyang magagawa kung hindi sumunod.
Huminto ang sinasakyan nilang taxi hindi kalayuan sa bahay na patuloy na binobomba ng tubig ng mga bumbero. Nagkalat sa paligid ang mga taong nakikiusyoso at ang mga uniformed police officers na nakabantay sa perimeter.
"'Nak, dito ka lang muna. Babalik din ako agad. H'wag kang lalabas ha?" bilin ni Tunying sa anak. Hindi naman siya nito pinansin kaya't agad na rin siyang lumabas ng taxi pagkatapos pakiusapan ang driver.
Sinaluduhan siya ng mga nadaanang uniformed police officers at nadatnan niya ang mga kagrupo na kausap ang isang bumbero. Agad niyang napansin na wala doon ang partner niya na si Miranda. Panigurado siya na nangangati na ang mga paa noon na makaalis sa bahay habang nakikinig sa mabagal na pagdarasal ng asawa nito para sa death anniversary ng biyenan.
BINABASA MO ANG
LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]
Misterio / SuspensoCriminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...