Chapter X - When The Truth Shouts A Lie, A Lie Will Whisper The Truth

109 6 1
                                    

Sa kalagitnaan ng tahimik na atmospera sa loob ng opisina ng Special Violent Crimes Unit, nangibabaw ang ingay na idinulot ng biglaang pagtayo ni Tunying

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa kalagitnaan ng tahimik na atmospera sa loob ng opisina ng Special Violent Crimes Unit, nangibabaw ang ingay na idinulot ng biglaang pagtayo ni Tunying. Muntikan pang magtaob ang kanyang kape sa lamesa dahil sa sobrang excitement. "Nahanap ko na!" sigaw niya.

Ang lahat ay napatigil sa kani-kanilang gawain at inilapat ang atensyon sa excited na detective. Kita nila kung paano nito ituro ang screen na tila paraan ng matanda para palapitin sila. Bakas rin sa pagod na mukha nito ang pagka-proud sa sariling achievement. Ilang oras na rin kasi ang iginugol niya para salain ang CCTV footages na pinadala ng traffic department para makatulong sa kasong hawak nila.

At sa paglapit ng lahat sa mesa ni Tunying, ang lahat ng mga mata ay napako sa screen ng computer kung saan ipinakita ni Tunying ang bawat frame ng video na nagpa-excite sa kanya.

Ipinapakita noon ang isang babae na naglalakad papasok ng Red District. Nakasuot ito ng yellow dress at heels. Itim na face mask ang tumataklob sa kalahating mukha nito at itim na oversized jacket naman ang nagtatago sa hubog ng kanyang katawan. Ang buhok ay mayroong kahabaan na hawig ang kulay sa kalawang. Nakasabit ang itim na dumpling body bag sa kaliwang balikat niya.

"S'ya 'yung tinutukoy ng trabahador sa Love Motel, 'di ba?" excited na tanong ni Tunying. At siya na rin ang sumagot, "Ilang minuto pagkatapos umakyat ni Casimsim, dumating ang isang babae na naka-dilaw na dress at itim na jacket. S'ya na 'yun!"

Jiwon moved closer to the screen. Lumiit ang kanyang mga mata habang ina-analyze ang babaeng tinutukoy. Sa hindi niya malamang dahilan ay tila mayroong kakaiba sa babae.

Agad namang napansin ni Jiho ang pamilyar na ekspresyon sa mukha ng dalaga. Ang ekspresyon na iyon ay nakikita niya lang sa tuwing mayroong gumugulo sa isipan nito. "Anong tingin mo, Miss Natividad? Personal mo nang nabisita ang crime scene, nakaharap mo na rin kanina si Allison Tarduaje, isama pa 'yang footage na nasa harapan mo, sa palagay ko naman sapat na 'yun para makapagbigay ka na ng conclusion sa case na 'to."

Umayos ng tayo ang dalaga. Haharapin niya sana ang mapanghamon na kapitan, ngunit naramdaman niya na sa kanya nakatingin ang lahat, tila hinihintay siyang magsalita. Under pressure, she finally said, "Ang babae sa footage na 'yan... ay hindi si Allison Tarduaje."

Nagpalitan ng puzzled looks ang mga detective. Ang lahat ay nagtataka at nalilito kung bakit nasabi iyon ng kanilang profiler. Kung hindi si Allison ang babaeng nasa CCTV footage, sino iyon? At paano na lang ang confession ni Allison? Magkasalungat at tila misteryo.

At sa precise moment na iyon, pumasok sa opisinang kinaroroonan nila ang isang babaeng uniformed police officer na may bibit kay Allison Tarduaje. Kagagaling lang nila sa restroom. Allison appeared weary but composed. Sa kanila nadako ang tingin ng lahat, nakasubaybay sa bawat hakbang ni Allison hanggang sa tuluyan itong maikulong ng pulis na babae sa holding cell sa kaliwang bahaging sulok ng opisina.

"Different gait," pagpapatuloy ni Jiwon. Ang boses niya ay nagdadala ng kalmadong otoridad na kayang mag-command ng atensyon. "Ang babae sa footage halatang hindi sanay maglakad gamit ang heels. Allison, on the other hand, has been a prostitute for years. She's used to heels; she'd move with confidence, not caution. At tingnan ninyo ang body language. Ang babae sa video ay overly cautious, parang takot na may makakilala sa kanya. Nakayuko, tagong-tago ang mukha. Bakit siya magtatago kung matagal na siyang nagtatrabaho sa Red District? Allison is bold-she wouldn't shy away from being recognized. She's been in this line of work long enough to know the environment. Pero ang babae sa footage, halata na nagkukubli. She's trying too hard to blend in, which ironically, makes her stand out. This behavior is inconsistent with Allison's profile."

LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon