Criminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dinig ni Jiwon ang malalim na paghinga ni Jiho habang binubuksan ang pinto ng kotse, halatang may mabigat na plano na iniisip.
Tumigil ito bago pumasok at tumingin sa kanya. "Huwag kang aalis dito," madiin nitong bilin, mahigpit ang tinig na para bang ayaw niyang may mas malalang mangyari pa. "Hintayin mo ang forensic analyst na tinawagan ko. Kailangan nating ma-acquire legally ang ebidensya at hindi natin p'wedeng galawin iyon nang walang tamang proseso."
Kita ni Jiwon ang seryosong ekspresyon sa mukha ng Kapitan na tila hindi ito tatanggap ng kahit na anong pagtutol. Of course, alam niya ang tamang proseso na tinutukoy nito.But what made her quite annoyed was his tone. Pakiramdam niya ay isa siyang pasaway na bata na kahit pagbilinan ay hindi kailanman sumusunod. Jiho really knew her so well.
Tahimik na tango na lang ang isinagot ni Jiwon. Hindi na siya nakipagtalo pa kahit nais niya sanang sumama sa lakad nito sa paghahanap kay Elaine Herrera.
Nang makaalis si Jiho, mag-isang naiwan si Jiwon sa labas ng Dahlia Grove Apartment. Naramdaman niya ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang balat. Tumingin siya sa paligid, sinubukang linisin ang kanyang isip mula sa magulong emosyon.
"Elaine Herrera..." bulong niya sa sarili. Hindi siya mapalagay. Sa tingin niya ay hindi pa nakakaalis ng Hostaria ang babaeng iyon. Naalala niya ang conversation na aksidente niyang narinig noong nasa HCDO pa ang suspek. Naalala niya ang tinig ni Elaine habang may kausap ito sa cellphone.
"Basta, nagkaproblema lang kaya hindi pa ako makakaluwas. Bukas na bukas din aalis na ako. Basta huwag mong paupahan sa iba. Pagdating ko naman d'yan, babayaran kita eh."
Napabuntong-hininga siya, napaisip kung saan p'wedeng pumunta ang suspek. At habang malalim ang iniisip, napatingin siya sa mga batang naglalaro sa alley malapit sa Dahlia Grove.
Ang mga bata ay abala sa paglalaro ng baseball, tuwang-tuwa sa bawat hagis at hampas ng bola. Namukhaan niya ang isa, si Vincent.
Ilang saglit lang, nakita niyang papalapit na si Lourdes, bitbit ang isang itim na garbage bag, sinusundo si Vincent na pawis na pawis sa kakalaro. Bahagyang napangiti si Jiwon sa tagpong iyon. Ngunit naalala niyang kailangan niyang kumilos.
Nagdesisyon siya na lapitan ang mga ito.
Mabilis siyang nakilala ni Lourdes nang tuluyan siyang makalapit. "Ay, Ma'am! Kayo pala 'yan! Akala ko kung sinong magandang dayuhan ang papalapit sa amin eh!" bati nito, tila nagulat na makita siya roon.
Jiwon smiled and asked directly, "Saan dito 'yung salon na pinagtatrabahuhan ni Elaine Herrera?"
Napa-isip si Lourdes bago itinuro ang daan. "Ah, diretsuhin niyo lang po 'yang kalyeng 'yan. Tapos liko kayo sa may convenience store. Dire-diretso lang, makikita niyo na po 'yung Hope Salon."
Si Vincent na nanonood sa kanila habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo ay biglang sumingit. "Huhulihin niyo na po 'yung ghost?"
Bahagyang natawa si Jiwon sa inosenteng tanong ng bata, ngunit mabilis din niyang sinagot. "Oo. Huhulihin ko na para hindi na kayo matakot sa Dahlia Grove." Pilya siyang kumindat kay Vincent, dahilan upang mag-cheer ang mga bata.