Criminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang Hostaria Correctional Facility ay nakatayo sa gilid ng isang desolate landscape. Ang mataas na pader nito na may barbed wire ay nagca-cast ng mahabang anino. Ang kulay-abong konkretong complex ay isang labyrinthine fortress na idinisenyo para sa containment at control.
Sa loob, makapal ang hangin na may halong antiseptic at bahagyang amoy ng kawalan ng pag-asa. Ang mga selda ay maliit at mainit na may makitid na bintanang may rehas. Kumikislap ang mga fluorescent lights sa mahabang corridor. Umaalingawngaw ang bawat pagbukas at pagsara ng mga pintong bakal. At sa pinakasentro ng complex matatagpuan ang visiting room.
Ang visiting room na iyon ay walang kalaman-laman nang dumating si Jiwon. Tanging mga plastic na upuan, mga naka-bolt na mesa, at mga guwardiyang nagmamasid ang nadatnan niya. Walang ibang bisita.
Hindi rin nagtagal at dumating rin sa nakaka-suffocate na silid ang taong sinadya niya sa kulungan. Hatid ng isang correctional officer si Andres Gonzales patungo sa mesa na kinaroroonan niya.
Napansin ni Jiwon ang pagtango ni Andres sa correctional officer, na parang sinasabi sa guwardiya na lumayo muna. Ramdam niya ang bigat ng dominasyon ng matanda kahit pa nasa loob ito ng kulungan. Naramdaman niyang tila may kapangyarihan pa rin ito sa kabila ng kanyang sitwasyon. Napatigil siya saglit, nagdadalawang-isip kung tama bang naroon siya. Ang presensya ng matanda ay parang nagpapahiwatig na kahit sa kulungan, siya pa rin ang may kontrol.
"Tunay ngang mas maganda ka sa personal, Jiwon Natividad, tama ba?" unang linyang binitawan ni Andres pagkaupo nito sa harapan ng dalaga.
Ang matandang si Andres Gonzales ay mukhang namumuhay nang masagana at malusog sa loob ng piitan. Sa edad na pitumpu't-isa, ang kanyang katawan ay tila hindi nagkulang sa pagkain. Iyon ang unang beses na nakaharap ni Jiwon ang sikat na serial killer, at kung ikukumpara niya sa mga larawan sa dyaryo ay napakalaki ng itinaba nito. Kulay puti na ang buhok ni Andres at kulubot na ang balat. Kapansin-pansin rin ang mahabang pilat sa mukha nito na dumaan sa kanyang kanang mata, dahilan kaya bulag na ito sa nasabing mata.
Naalala ni Jiwon ang lalaking nag-eskandalo sa loob ng HCDO. Napagtanto niya na hindi mga pulis ang nagbawal sa pakikipag-usap sa matandang serial killer, kundi ito mismo ang pumipili sa bisita na haharapin. "Hindi ako nagpunta rito para makipagkamustahan. Hindi tayo close para gawin ko 'yon. So, tell me. Bakit mo ako pinadalhan ng ganoong klaseng liham?"
Sumandal si Andres at mabagal na sinabing, "Hindi ko maintindihan kung bakit ang mga kabataan ngayon ay masyadong nagmamadali. Akala mo ay mauubusan ng oras parati."
"Hindi ko makuha ang punto para magsayang ng panahon para sa isang taong pumatay ng pitong tao," matalas na saad ng dalaga.
"Pero hindi ba't pinag-aaralan mo ang utak ng mga taong katulad ko? Mga taong... kayang pumatay ng pitong tao." Gumuhit ang isang tusong ngisi sa manipis na mga labi ni Andres.
Hindi iyon nagustuhan ng dalaga. "Anong gusto mong palabasin?" Pinanood niyang mag-krus ang mga bisig nito sa harapan ng malapad na dibdib.