Criminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Malamig ang hangin na sumalubong kina Jiwon, Jiho, at Basco, pagkababa nila mula sa sasakyan.
Ominous, 'yan ang naramdaman ni Basco nang masulyapan ang kabuuan ng Dahlia Grove Apartment. Kung maaari lang na umuwi na ay kanina pa niya nagawa. Bakit kasi naisip na lang bigla ni Detective Tunying ang ideya na mag-stakeout sa ominous na building na iyon para lang mapatunayan na totoong haunted ito? Minsan talaga ay hindi niya gusto ang takbo ng pag-iisip ng matanda. Mabuti na lang at puno ang tiyan niya sa mga oras na iyon, salamat sa libre ng kanilang Kapitan at Profiler. Salamat sa lihim na natuklasan niya, may leverage na siyang hawak sa dalawa.
Nadatnan nilang nakatayo sa entrada ng gusali sina Tunying, Miranda, at-unsurprisingly-Ranzel, hawak pa rin ang camera, filming na para bang nakadepende doon ang buhay niya.
"Mr. Perez, 'di ba may dinner ka kasama ang isang importanteng tao? Anong ginagawa mo dito? Baka iniisip mo required kang bumuntot sa bawat lakad namin? Hindi gano'n ha?" usisa ni Tunying, magkakrus ang mga braso, at tila inosente at totoong curious sa dahilan.
Kinakabahan na natawa na lang ang binatang influencer. Napakamot pa sa likod ng kanyang leeg. "Uh... na-moved bigla eh. 'Tsaka... sa tingin ko magugustuhan ng mga subscribers ko na makapanood ng ganitong klaseng content. May pagka-horror."
Magsasalita na sana si Jiho, ngunit bago pa niya maibuka ang bibig, napansin niya si Basco na nakatingin sa kanya habang nakangisi na mapanukso. Ngisi na nagsasabing may alam akong sikreto na hindi mo gugustuhing malaman ng iba.
At sa muling pag-ihip ng malakas na hangin, "Sandali..." dramatic na suminghot si Tunying. "Amoy... beef? Pork belly? Parang inihaw eh..." Nakuha niya agad kung saan nagmula ang amoy na iyon. Sinamaan niya ng tingin sina Jiho, Jiwon, at Basco. "Captain, kahit kailan hindi pa pumapalya ang ilong ko. Alam n'yo ba kung anong tawag sa akin dati sa substation na pinanggalingan ko?"
"Sniffer," mabilis na sagot ni Miranda.
"Unang singhot ko pa lang, alam ko nang nag-samgyupsal kayong tatlo. Hindi n'yo man lang kami sinama? Parati naman kaming one call away lang. Aba'y nakakapagtampo!"
Nagpakawala si Jiho ng isang pagod na tingin kay Jiwon, na tumugon lamang ng isang bahagyang kibit-balikat. Napilitan tuloy siyang mangako, "Next time mag-team dinner tayo."
"Next time, ha," pagkumpirma ni Tunying. Siya na rin ang nanguna papasok sa loob ng lumang apartment building.
Ang loob ng Dahlia Grove Apartment ay nagmistulang set ng isang horror movie. Ang ground floor, dating masaganang grocery store, ngayon ay bakante na at walang laman. Ang mga rusted metal shelves ay nakatayo pa rin na animo'y mga sentinels, ang bawat ibabaw ay natatakluban ng patong-patong na alikabok.
Ang pag-ingit ng lumang gusali ay sumasalungso sa bakanteng pasilyo. Nakadagdag iyon sa takot na nararamdaman ni Basco. Naisip niya na dapat sana'y hiniling na lang niya sa Kapitan na hayaan na siya nitong umuwi noong nasa FDO pa lang sila, hindi na lang sana samgyupsal ang kanyang hiniling. At ngayon ay para siyang isang duwag na batang nakadikit sa superior. "Captain, pwede bang... bagalan mo nang kaunti? Iba talaga pakiramdam ko dito eh," bulong na pakiusap niya.