"Po? Nasaan na po?" nag-aalalang tanong ni Jiwon."Nasa itaas na. Sa Head Director."
Napahawak si Jiwon sa batok dahil sa narinig. Pakiramdam niya ay bumaba ang blood sugar niya. Kung sa COP pa lang nila ay nagdadalawang isip na siyang lumapit, sa Head Director pa kaya? She wanted to give up at that moment, but then she heard the COP said,
"Akyatin mo na. Sigurado naman ako na pagbibigyan ka noon. Mabait ang Head Director natin. Bigyan mo lang ng kaunting puri para lalong lumambot. Kung pwede banggitin mo sa kanya ang Papa mo at sigurado akong ibibigay nu'n kung anong kailangan mo. Maniwala ka. Umakyat ka na at baka makaalis pa 'yon."
"Thank you po, Chief. And... I'm really sorry about kanina." Nakangisi ang matanda nang iwan niya ito sa opisina.
Maybe Chief Baltazar was right. Kailangan niyang gamitin ang pangalan ng kanyang Papa para mapalambot ang Head Director. Maybe it was the only remaining way.
Kaya't nagdadalawang isip man ay tinungo niya ang opisina ng Head Director sa fourth floor.
Head Director Tapaz was about to leave his office when Jiwon hurriedly approached him. Nagulat pa ito sa presensya ng dalaga sapagkat halata sa mukha ni Jiwon ang pagka-desperada na animo'y mayroon itong mahalagang kailangan.
"May nangyari ba, hija? Why are you in a hurry?"
Pagkatapos isara ni Jiwon ang pinto pagkapasok nila sa opisina ni Director Tapaz, ay iginala niya ang paningin sa paligid ng opisina. Paintings of green, golf ball na naka-display sa ibabaw ng cabinet, at ang nakasandal na golf clubs sa sulok ng silid ang nakapukaw ng kanyang atensyon. "Ah... I need to relay a message from my father. Medyo personal po kase kaya better po na dito tayo mag-usap sa loob," she sounded like a pro in lying.
Nagliwanag ang nag-aalalang mukha ng director. "A message from the Commissioner General? What is it? I'm all ears."
For a second, she felt a gush of guilt from her face down to her body. Hindi siya makapaniwalang kailangan niyang magsinungaling sa Head Director ng Violent Crimes Department. "Maglaro daw po kayo ng golf sa Golden Spring Golf Club."
"Really? I'm being invited by the Commissioner General to play golf with him? At saan, hija? Sa Golden Spring Golf Club? That's an expensive place to play golf! Hindi basta-basta nakakapasok doon kapag hindi member. Can I really play there?"
Kita ni Jiwon ang matinding saya at pagkasabik ng director sa kasinungalingan niya. Ngayon, kailangan na niyang gumawa ng paraan para totoong makapaglaro ito sa exclusive golf club kasama ng kanyang ama.
Screw her faulty mouth! Sunod-sunod na problema ang ibinibigay sa kanya nito. "Syempre naman po. I-inform n'yo na lang po ako kung kailan free ang schedule n'yo, at ako na po ang magsasabi kay Papa. And about sa membership po sa Golden Spring Golf Club, hwag n'yo na pong problemahin 'yun. Ako na po ang bahala do'n," dagdag niya sa problema niya.
BINABASA MO ANG
LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]
Mistero / ThrillerCriminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...