Chapter VII - Love Motel Murder Case

113 7 0
                                    

Ang Love Motel sa gitna ng Red District ay naging sentro ng atensyon ng forensic team at ng Special Violent Crimes Unit nang sumapit ang tanghali ng huwebes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang Love Motel sa gitna ng Red District ay naging sentro ng atensyon ng forensic team at ng Special Violent Crimes Unit nang sumapit ang tanghali ng huwebes. Ang madilim at may kadudadudang lugar na ito na kalimitang abala sa gabi, ngayon ay tahimik at puno ng tensyon. Ang mga neon lights sa labas ay patay sindi na tila nagbibigay ng babala na mayroong nakakakilabot na nangyari sa loob ng establisimyento.

Matapos magsuot ng gloves at shoe cover ay pinasok ni Jiho ang loob ng Room 404. Amoy niya ang magkahalong dugo at matapang na alak na animo'y bumabalot sa buong kwarto. Sandali niyang pinasadahan ng tingin ang mga forensic staff na masigasig na nag-iimbestiga. Nakita niya na ang isa ay abala sa pagkuha ng litrato, habang ang dalawa ay nagtatakda ng mga marker sa iba't-ibang bahagi ng kwarto. Isang forensic scientist ang nangongolekta ng mga hair strands mula sa basahan na nakakalat sa sahig. Ang isa naman ay masusing sinusuri ang bawat ibabaw, mula sa doorknob hanggang sa mga basag na bote ng alak.

"Sir," pag-agaw ni Basco sa atensyon ng kanilang kapitan. At nang madako sa kanya ang tingin ay ipinagpatuloy niya, "Nasa loob po ng cr." Dahil may kaliitan ang banyo ay nagbigay daan siya sa kanyang superior.

Pagkapasok ni Jiho sa makipot na banyo ay otomatikong lumapat ang tingin niya sa walang buhay na katawan ng biktima, isang lalaki sa kanyang late 50's na nakalubog sa bathtub na umaapaw ang tubig. Ang balat nito ay maputla na halos kulay abo na at ang mga mata ay nakabukas na tila nanlilisik pa rin sa huling sandali ng kanyang buhay. Nakadamit ito ng manipis na white sando at brief.

"Bakit hindi pa rin inaahon sa tubig ang bangkay?" mayroong hint ng frustration ang tono ng boses ni Jiho. Nag-aalala siya na baka hindi ma-preserve ang ebidensya, magkaroon ng kontaminsayon ang katawan, at hindi magkaroon ng accurate autopsy.

Ngunit imbis na si Basco ang matagpuan niya sa likod, isang Sony ZV-1 ang bumulaga sa kanya. Agad na hinarangan ni Jiho ang lente noon at puwersahang ibinaba ang camera. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na tanong nito sa binatang may hawak ng device.

Gumuhit ang isang mapanuyang ngisi sa labi ni Ranzel. Tinanggal niya ang nakapatong na kamay ni Jiho sa kanyang camera at sandaling inihinto ang recording. "Hindi ka ba na-inform ng COP n'yo?" Hindi iyon tanong kundi pangungutya.

At imbis na sagutin iyon ng binatang kapitan ay binato niya ito ng sariling katanungan. Seryosong may halong galit na katanungan, "Ikaw, hindi ka ba na-inform kung anong dapat isinusuot bago pumasok sa isang crime scene?"

Nadako ang tingin ni Ranzel sa sariling mga paa. Wala siyang suot na shoe cover. "My bad," nakangising reaksyon niya. Ang totoo ay nakalimutan niya iyon dahil sa pagmamadali na makuhaan ng shot ang bangkay sa orihinal na posisyon nito.

"Labas," ma-otoridad na utos ni Jiho. Pinanood niya ito hanggang sa tuluyang makalabas ng Room 404, pagkatapos ay 'tsaka niya lang itinuloy ang naudlot na pag-iimbestiga.

Nilibot niya ang buong kwarto, sinuyod lahat ng sulok, at kinausap ang medical examiner na initial na sumuri sa bangkay.

Pagkababa at paglabas niya ng gusali ay nadatnan niyang ini-interview ni Ranzel sina Tunying at Miranda.

LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon