Chapter IX - When He's Jumping The Gun

158 9 0
                                    

"Miss Natividad!" Sinalubong ni Basco si Jiwon sa lobby ng Hostaria Crimes Division Office

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Miss Natividad!" Sinalubong ni Basco si Jiwon sa lobby ng Hostaria Crimes Division Office. He was glad to see the profiler because he was ordered to contact her that morning and had no idea where to get her phone number.

Huminto si Jiwon sa tapat ng receiving desk kung saan may nakatayong isang uniformed police officer na may kausap sa telepono. Hinintay niyang tuluyan na makalapit sa kanya ang humahanguhos na binata.

"Mabuti nandito ka na. Pinapatawag ka ni Kap. Nasa interrogation room siya ngayon," Basco said.

"May hawak na kayong person of interest?" curious na tanong ng dalaga. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad patungo sa elevator kasama ang binata.

"Yes, ma'am. Nakuha na namin 'yung digital forensic report kagabi at lumabas na may katagpo si Casimsim sa motel na isang prostitute. Sinuyod namin 'yung red district. Natunton namin 'yung bar na laging pinupuntahan ni Casimsim at doon rin nagtatrabaho 'yung babae. Wala sa bar kagabi 'yung babae pero naibigay sa amin ng manager 'yung address kaya napuntahan namin 'yung bahay. Doon na namin siya nahuli."

Pumasok sila sa nagbukas na lift at si Basco ang pumindot sa floor level.

"Brief me about her basic personal info," utos ni Jiwon.

"Allison Tarduaje, 24, residente ng isang maliit na apartment sa labas ng red district. Pagkatapos niyang mag-high school pinasok na niya ang mundo ng prostitution. Dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa bar na madalas puntahan ni Casimsim," saad ni Basco habang patuloy ang kanilang pag-akyat sa elevator. "Ayon sa mga kapitbahay, tahimik siyang tao at bihirang lumabas ng bahay tuwing umaga. Wala rin siyang permanenteng partner, pero may kapatid na lalaking madalas na bumisita sa kanya."

Mababakas sa mga mata ni Jiwon ang pag-iisip nang malalim habang iniintindi ang bawat detalye. "May information na kayo tungkol sa kapatid niya?"

"Wala pa po, ma'am. Pero ayon sa ilang reports, he's a bit of a drifter. Aljohn Tarduaje ang pangalan. Walang stable na trabaho, pero madalas makita sa area kung saan nagtatrabaho si Allison."

Nagbukas ang elevator at agad na lumabas ang dalawa mula doon. Monitor room na adjacent sa interrogation room sa kanan at dulong bahagi ng third floor ang kanilang destinasyon. Pinagbuksan ng pinto ni Basco ang dalaga at sinalubong sila ng seryoso at nakaka-intimidate na mga mata ng binatang kapitan. Animo'y kine-kwestiyon nito ang late nilang presensya.

Ngunit binalewala iyon ni Jiwon. Bagkus ay nagdiretso siya sa loob, sinulyapan mula sa one way glass mirror ang babaeng mag-isang naghihintay sa loob ng interrogation room. Pansin niya ang namumutlang complexion nito na animo'y ilang gabi nang walang tulog. "Kung kagabi n'yo pa siya dinala dito, bakit hindi n'yo man lang ako tinawagan?"

Ang tanong na iyon ay tila naiwang nakabinbin sa ere sa loob ng ilang segundo. Walang gustong sumagot. Hindi sigurado si Basco kung sasabihin niya ang totoo na pinigilan siya ng kanilang kapitan na kontakin ang profiler noong gabing dadamputin na nila si Allison. Ang uniformed police officer naman na nakaupo sa sulok at nakaharap sa monitor ng computer ay napasulyap sa tatlo, tila curious rin sa totoong rason.

LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon