Chapter XXV - Watching You Like Mona Lisa

162 6 7
                                    

Jiwon was wide awake, her eyes adjusting to the shadows of the night

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jiwon was wide awake, her eyes adjusting to the shadows of the night. The silence around her felt unnerving.

Halos tatlong oras na siyang nakahiga lang sa kama, katabi si Meadow. At tila lahat ng pwesto ng paghiga ay nagawa na niya, ngunit hindi pa rin siya dapuan ng antok. Hindi. Ang totoo ay pinipili ng katawan at isipan niya na manatiling mulat sa gabing iyon.

Bahagyang sumikip ang dibdib niya sa posibilidad na baka magbalik doon ang intruder. Ang imahe ng basag na bintana, mga nawawalang larawan ng crime scene, at ang smiley face note ay tila nakaukit na sa kanyang isipan. Animo'y naroon lang sa labas ng pinto ang taong may gawa noon, naghihintay lang ng tamang pagkakataon upang makapasok muli.

At habang inaalala iyon, isang ingay sa babang palapag ang bumasag sa nakakabinging katahimikan sa buong kabahayan. Otomatikong napabangon si Jiwon. Mabilis na dinukot sa ilalim ng unan ang kanyang baril at walang alinlangan na tinungo ang hagdan.

Keeping the gun low but ready, she quietly descended the stairs. Maingat siya sa bawat paghakbang upang hindi makagawa ng kahit na anong klaseng ingay na mag-aalerto sa kung sinumang naroon. Kasabay ng kanyang kontroladong paghinga ay ang matalas na pagsuri sa bawat anino at bawat sulok na hagip ng kanyang mga mata.

At nang tuluyan niyang marating ang huling baitang, dumapo ang paningin niya sa nakakalat na cardboard. Iyon ang cardboard na ipinangharang niya sa bukas na bintana. Marahan niya iyong nilapitan at muling iginala ang paningin sa paligid. Everything seemed untouched, except for the cardboard, now lying on the floor.

Kaya't minabuti niyang suriin rin ang labas. Buong tapang niyang inikutan ang kabuuan ng kanyang tahimik na tahanan, at sa huli ay wala siyang nakitang kahinahinala. Bumalik na lang siyang muli sa loob, pinulot ang cardboard. At nang ilalagay na niyang muli iyon sa bintana ay umihip ang malakas na hangin. Noon niya napagtanto na hangin ang may kasalanan kung bakit nahulog iyon. Nailabas niya ang isang malalim na hiningang hindi niya namalayan na kanina pa niya pinipigilan.

Then she noticed Meadow's presence beside her. Hindi na niya itinuloy ang pagharang muli sa bukas na bintana. Isinandal na lang niya ang cardboard sa pader at kinarga ang alaga. The cat's warmth and steady breathing soothed her somewhat, though she could not shake the lingering tension in her muscles.

Tinanaw nila ang kalmadong lawa mula doon. Ang dilim na bumabalot doon ay nakakakilabot. Hindi makita kung anong naroon sa tubig. Hindi maaninag kung may nagtatago ba doon, o kung may paparating man. Katulad iyon ng pangamba ni Jiwon. "I know, Meadow. It's okay," she whispered to Meadow but more to herself.

Walang tulog magdamag. Kahit maikling idlip ay ipinagkait niya sa sarili, kaya't sunod-sunod ang paghikab niya habang nagsasalita ang kanilang COP.

"Maganda na ang imahe nating kapulisan sa taumbayan ngayon. Salamat kay Mr. Perez at syempre sa effort ng buong team. Kaya naman napagdesisyunan ng mga nasa itaas na bigyan na lang ng huling case ang Think of a Crime bago magpaalam ang magaling nating documentary host," anunsyo ng Chief. Mababakasan ng kuntentong ngiti ito sa mukha. Mukhang maganda ang panimula ng araw. "Mr. Perez, baka may gusto kang sabihin sa SVCU."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon