Jiwon stirred from a restless slumber, her heart pounding as she awoke from a vivid dream. Ang imahe ng puno ng banyan, ang mahahabang sanga nito at ang walang buhay na katawan ng babae na nakabitin doon, tila naka-ukit na sa kailalim-laliman ng kanyang consciousness. Alam niya kung anong nararapat niyang gawin upang mawala ang imaheng iyon.
Isang determinadong buntong hininga ang kanyang binitawan bago sinulyapan ang alagang feline na katabi niya lang sa kama. "I'll be back, Meadow," she whispered softly, her voice carrying a weight of sadness and resolve.
Isang gentle meow ang natanggap niyang sagot mula kay Meadow, animo'y naintindihan nito ang bigat ng impulsive decision na ginawa niya.
She slipped out of the bed, her movements deliberate as she prepared to return to Mt. Milagrosa.
In the silence of the night, she stood before the ancient banyan tree, its massive roots seeming to grasp the earth beneath.
Gamit ang flashlight na nag-iilluminate ng shadowed landscape, ipinokus ni Jiwon ang liwanag nito sa eksaktong spot kung saan nakabitin ang bangkay kamakailan lang.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata, inisip ang nakakakilabot na pangyayaring naganap doon. Halos marinig niya ang bulong ng hangin, dala ang halimuyak ng paparating na trahedya. Sa kanyang isipan, nakita niya ang murderer na papalapit sa kanyang kinaroroonan, maingat na itinali ang leeg ng biktima gamit ang makapal na lubid, inihagis ang lubid sa sanga, at hinila iyon hanggang ang katawan ng babae ay masuspinde sa isang grotesque dance ng kamatayan, dumuduyan sa kadiliman.
Humigpit ang hawak niya sa flashlight habang pinag-iisipan ang kakila-kilabot na precision ng kilos ng taong iyon. The profound sadness and anger welled up within her.
Bakit ba hindi pa maubos ang mga taong kagaya nito?
Naisip niya na isang kalokohan ang tanong na iyon. Alam niya na kahit kailan ay hindi mauubos ang mga taong halang ang bituka at walang konsensya. Araw-araw silang maglalakad sa kalsada na para bang mga normal na taong hindi kayang manakit ng kapwa, pagkatapos ay gagawin ang madilim na lihim sa tuwing wala nang nakamasid na mga mata sa kanila.
Habang nakatayo siya roon, nakatitig sa puno na naging saksi, isang nakakalitong tanong ang pumasok sa kanyang isipan. Paano nagawang dalhin ng pumatay ang walang buhay na katawan sa liblib at masukal na lugar na iyon?
She swept her flashlight across the area, noting the absence of any signs of struggle or disturbance in the underbrush. Naisip ni Jiwon na imposibleng doon naganap ang pagpatay dahil narinig niya sa isang pulis sa crime scene na ayon sa taong unang nakakita ng bangkay ay dumaan rin siya sa lugar na iyon kahapon at wala pa noon ang biktima. Isa pa, ang katawan ng biktima, batay sa stiffness ng rigor mortis, ay malaki ang posibilidad na wala nang buhay sa loob ng ilang araw. Gayunpaman, ang balat nito ay nanatiling walang bahid, at walang bakas ng dumi o mga debris na magmumungkahi na ang katawan ay kinaladkad sa kagubatan.
BINABASA MO ANG
LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]
Mystery / ThrillerCriminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...