Criminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Everything about Jiho screamed understated luxury-never flashy, but impossible to miss. Unang napansin ni Jiwon ang suot nitong Ray-Ban Aviator sunglasses.
Ang athletic build ng binata ay kita sa suot nitong navy blue Ralph Lauren Polo shirt, ang fabric noon ay hapit sa broad shoulders at braso nito na sapat lang para maipakita ang toned physique. Tinernohan niya iyon ng tailored white trousers mula sa Brunello Cucinelli at custom golf shoes mula sa Tod's. On his wrist, gleamed a Richard Mille RM 11-03 Automatic Flyback Chronograph. Isa iyong relo na hindi lang basta nagsasabi ng oras kundi nagco-command rin ng atensyon. Ang leather belt naman mula sa Hermès ang kumumpleto sa overall look niya.
"Branded mula ulo hanggang paa. Kailan pa siya natutong mag-flex?" Napailing si Jiwon matapos pagmasdan ang buo nitong anyo. Hindi naman sa hindi siya sanay na makitang may suot na mamahaling gamit ang binata, pero ngayon niya lang ito muling nakita na halos naka-head-to-toe branded. Parang isang modelo na kinuha mula sa isang luxury magazine.
Compared to Jiho, Jiwon had gone for a clean yet stylish look-nothing too flashy, but undeniably chic. Hinubog ng black high-waisted trousers ang kanyang slim figure. Suot niya rin ang paborito niyang pares ng white Gucci sneakers. Ang pang-itaas naman niya ay isang simpleng plain, white silk blouse na bahagyang naka-tuck in sa kanyang trousers. Balanse ang contrast sa pagitan ng casual at formal. Sinadya niya iyon sapagkat alam na niya ang magaganap sa araw na iyon. Walang golfing na mangyayari. Deretso sila sa private island ng mga Lim. At kung mas mamalasin ay baka hindi pa matuloy iyon kapag masyadong dinibdib ng kanyang ama ang ginawa niyang kasinungalingan. Pero kung iisiping mabuti ay pabor kay Jiwon kung sakaling hindi rin sila matuloy sa private island. In the first place, hindi naman talaga dapat sila pumunta sa lugar na iyon.
And while on their way to Golden Spring Golf Club, Jiwon noticed the new watch wrapped around her father's wrist. Noon niya lang iyon nakita. At kahit nakaupo siya sa backseat at ang kanyang ama ay nasa front passenger seat, katabi ni Jiho na nagmamaneho, kitang kita niya ang pangalan ng brand. Her brows furrowed as she realized that her father was wearing the same luxury wristwatch as Jiho. "Pa, mukhang bago 'yang relo n'yo ah," puna niya.
Itinaas ng Commissioner General ang kamay kung saan nakasuot ang bagong relo at proud iyon na pinagmasdan. "Maganda ba? Regalo 'to sa akin ni Jiho. Sabi nga sa term ng mga kabataan, twinning. Twinning kami ni Jiho," natatawa nitong sabi.
Kita rin ni Jiwon ang pag-guhit ng ngiti sa mga labi ng binatang nagmamaneho. Ngunit ganoon pa man ang tuwa ng dalawang lalaki sa harapan ay hindi siya nahawa ni-katiting na saya. She cleared her throat through a fake cough and firmly said, "Richard Mille? Hindi po ba masyadong mahal para makita ng mga constituents ninyo?"
"Don't worry, hija. Isusuot ko lang naman 'to kapag may mahalagang okasyon."
Bagamat narinig ang assurance ng kanyang ama, hindi pa rin nawala ang masamang pagkakatitig ng dalaga sa rearview mirror kung saan nagtagpong sandali ang mga mata nila ni Jiho. Hindi issue para sa kanya ang pagtanggap ng kanyang ama sa mamahaling relo, ang hindi niya maintindihan ay ang rason ng binatang nagbigay ng regalo. Sigurado siya na mayroon itong itinatagong motibo. Sigurado rin siya na hindi niya iyon magugustuhan.