Chapter XXIV - I Knew It, I Know You

151 9 5
                                    

Biyernes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Biyernes.

Sa loob ng maaliwalas na clinic ni Dr. Mirriam Olgapo, ang tahimik na kwarto ay nagbigay ng init at kapanatagang parang yakap ng isang ina. Kapansin-pansin ang amoy ng malambot na lavender at chamomile, pati na rin ang mga framed certificates at mga paintings na nagpapakita ng kagandahan ng kalikasan.

Naupo si Jiwon sa cream-colored na armchair at napatitig sa maliit na potted plant sa mesa. Sa pagkakatanda niya ay wala pa iyon noong huling bumisita siya sa clinic. Siguro ay galing pa iyon sa Milan. She knew her Ninang Mirriam had a unique obsession with foreign plants. At ang isipin pa lang ang iba't-ibang permit na kailangang makuha para lang maiuwi ang isang potted plant na iyon ay tila nagpasakit na sa ulo niya.

At habang umuusad ang session ay naging malinaw sa mga mata ng psychiatrist na may bumabagabag pa kay Jiwon. Pansin niya ang tila pag-iwas ng mga mata nito na para bang may pinipilit itong ikubli, at ang pasimpleng pagkagat pa nito sa labi. Malinaw. Mayroon pa itong gustong ilabas.

Nginitian ni Dr. Olgapo ang dalaga, ngunit hindi nawala ang pagsusuri sa kanyang mga mata. "Jiwon, mukhang mas kalmado ka na ngayon kaysa sa nakaraang session natin. But... I noticed na parang may bumabagabag pa sa 'yo. Gusto mo bang pag-usapan natin 'yun?"

Sumandal si Jiwon at nagpakawala ng mahinang buntong-hininga. Hindi niya pansin na pinipisil na niya ang dalawang braso ng teddy bear na hawak. Pilit niyang iniwasan ang mga mata ng kanyang Ninang, pero alam niyang kilalang-kilala siya nito. Hindi na niya iyon maitatago pa.

"Medyo... awkward po kasi," nag-aalangan na panimula ni Jiwon. Ngunit nang makita niya ang comforting smile ng kanyang Ninang na buong pasensyang naghihintay sa sasabihin niya, ipinagpatuloy na niya.

"May... nararamdaman po kasi akong kakaiba... these past few days... for a certain someone. And I know na... dati naman special na talaga siya sa 'kin, pero dapat nawala na 'yon kase matagal din na nawalan kami ng communication. 'Di ba nga po kapag nawalan ng communication, nawawala rin ang opportunity na mag-express ng emotions, mag-build ng connection, at mag-sustain ng intimacy? At kapag nangyari 'yon, sa paglipas ng panahon, humihina ang emotional bond, at natural lang na mabawasan ang attachment.

Pero hindi po ganu'n ang nangyari sa 'kin. Lately, these bothersome feelings keep me up at night. Para pong bumalik. And it's weird because it feels like it's ten times stronger than before. Mas malakas. Mas intense. Ninang, do you think something's wrong with me? I know something happened kaya nag-resurface 'yung feelings na 'yon. Something triggered it. And honestly it annoys me, big time. Ayokong maapektuhan ang trabaho ko. Disturbance lang 'yon and... it's just making me frustrated. Like... I need these unnecessary feelings to go away kasi nagiging awkward na ako kapag malapit siya. And I can't do my job right kapag distracted ako sa presence niya."

"You need those feelings to go away. But the question is, do you want those feelings to go away?"

Nakagat ni Jiwon ang ibabang labi. The answer was clear. Ibinaba niya ang tingin sa kalong-kalong niyang teddy bear. "Pero nakamove on na po siya, Ninang. Alam ko rin na wala na siyang nararamdaman para sa 'kin. Mukhang okay na po siya. Nasaktan ko kasi siya when I left him six months ago. And now... natatakot ako na baka magulo ko na naman ang buhay niya kasi... malapit na naman siya sa 'kin."

LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon