Criminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Miss Natividad!" masiglang pagbati ni Miranda kay Jiwon. Kita niya ang pagkagulat nito, at ipinagtataka niya na tila ayaw nitong pumasok sa loob ng opisina. Nadatnan niya lang na nakasilip mula sa pinto na animo'y mayroong tinataguan ang dalaga. "Napanood mo na 'yung inupload na video ni Mr. Perez? Viral tayo ngayon–"
Hindi na nakapagpigil si Jiwon sa kaingayan ng detective. Hinigit niya ito patungo sa malapit na fire exit stairs. "Please, kunwari hindi mo ako nakita," pagmamakaawa niya. Magkasaklob pa ang mga palad niya at nangungusap ang mga mata.
Tila naintindihan naman agad ni Miranda ang sitwasyon ng profiler. Lumiwanag ang kulubot na mukha at sandaling sinilip sa hallway ang kapitan nila na nakapameywang doon na parang may hinahanap. "Naku! Wala kang dalang fit-to-work certificate ano?" pabulong ngunit mapanuksong tanong nito sa dalaga. "Yari ka ngayon n'yan. Nagkataon pang mainit ang ulo ng kapitan natin gawa ng mga nag-rarally sa Valiente Circle. Nandoon ang halos lahat ng uniformed officer. Isang officer lang tuloy ang kasama naming nag-escort sa limang suspect kanina papuntang prosecutor's office. Pa'no ka na n'yan ngayon?"
"I don't know," walang pag-asang sagot ng dalaga.
"Teka, akong bahala."
Bago pa mapigilan ni Jiwon ang detective ay nakalabas na ito sa fire exit. Narinig na lang niya na kausap na nito sa hallway ang binatang kapitan.
"Sir! Okay na!" malakas na boses ni Miranda.
"Anong okay?" nagtatakang tanong ni Jiho. At kahit hindi nakikita ni Jiwon ay alam niyang magkasalubong na ang mga kilay ng binata.
"Okay na 'yung pinapalakad mo sa Forensic Office. Natawagan ko na. Ipapadala na lang daw nila mamayang hapon."
Sandaling katahimikan ang namayani sa hallway, bago muling narinig ni Jiwon ang boses ng binatang kapitan. "Nakita mo ba si Miss Natividad?"
Nahuli ni Jiwon ang sariling hininga nang muli niyang marinig ang pangalan niya. Sa kaba ay kulang na lang magpalamon siya sa pader na kinasasandalan.
"Si Miss Natividad? Eh... sir, kararating ko lang. Hindi ko pa siya nakikita. Eh sir, 'yung tungkol sa mga nag-rarally sa Valiente Circle..." Rinig ni Jiwon na unti-unting humina ang boses ni Miranda hanggang sa maglaho ito nang tuluyan. Maingat niyang sinilip ang hallway at nakumpirma niya na wala na doon ang dalawa, 'tsaka lang siya muling nakahinga nang maluwag.
Sa loob loob ni Jiwon ay ramdam niyang magiging mahaba at nakakapagod ang araw na iyon. Hindi na lang dapat siya pumasok kung alam niya lang sa sarili na hindi niya kayang harapin ang binata at magmakaawa na h'wag siyang tanggalin sa unit. Begging in front of that haughty captain was not in her to-do-list for that day. Ngayon ay kailangan niya itong iwasan upang makaiwas rin sa posibleng pagkakatanggal.
She walked down the stairs with a problematic face and met the kind janitor on the first floor.
"Good morning, ma'am," bati nito sa dalaga, hawak sa kaliwang kamay ang mop. Sandali nitong inisod sa sulok ang cleaning cart upang makadaan ang profiler.