Criminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dama ng buong Special Violent Crimes Unit ang bigat at tahimik na tensyon na tila bumabalot sa buong conference room. Naroon din si Ranzel, nakatutok sa camera.
Si Basco ang unang bumasag sa katahimikan. "Clarissa Zafra, twenty-eight, online writer sa isang writing platform na mostly libre mo lang mababasa ang mga akda. Base sa nakalap kong info tungkol sa account niya, hindi siya kumikita sa pagsusulat. Hindi rin siya employed sa kahit na anong kompanya, kaya hindi pa malinaw kung saan siya kumukuha ng panggastos sa pang-araw-araw. Bago siya mangupahan sa Dahlia Grove, galing siyang Mennea. Dati siyang nakikitira sa ate niya na may sariling pamilya na. Sabi ng mga close contacts niya na kapwa mga tenant sa apartment, loner type daw at introverted si Clarissa." Pinindot niya ang laptop, at lumitaw sa projector screen ang profile picture ni Clarissa Zafra. Ang mga mata nito ay animo'y nakatitig sa bawat taong naroon sa conference room.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pagpapatuloy ni Basco, "Ten years ago, parehong namatay ang mga magulang niya, parehong inatake sa puso. Ang natitira na lang na pamilya niya ay ang nakatatanda niyang kapatid sa Manila."
"Natawagan mo na ba?" singit ni Jiho.
"Yes, Kap. I believe papunta na siya dito ngayon."
"CCTV?" kasunod na tanong ng binatang Kapitan.
Napasandal si Miranda, pinagkrus ang mga braso, pagkatapos ay napailing. "Lumang building na ang Dahlia Grove. 'Yung landlord, si Rodolfo Navarro, may katandaan na at aminadong hindi updated pagdating sa security ng building niya. Walang CCTV sa loob at labas. Pero..." Sandali niyang pinasadahan ng tingin ang mga kasamahan na nakapalibot sa mesa, bago nagpatuloy, "May nakuha akong footage sa ilang dashcam ng mga sasakyan na nakaparada sa palibot ng building. 'Yung isang pick-up truck na nakaharap mismo sa entrance ng Dahlia Grove, base sa footage, matagal nang nakatengga doon. Hindi pinapaandar ng may-ari. Mabuti nga gumagana pa 'yung dashcam."
Kumunot ang noo ni Jiho habang iniintindi ang sinabi ng kanyang subordinate. "Sinong may-ari?"
"Naka-register sa landlord, kay Navarro."
Bahagyang napatango si Jiho. Siya naman ang namahagi ng impormasyon, "Sa initial assessment ni Dr. Santos, base daw sa state ng rigor mortis, apat na araw nang patay si Clarissa Zafra. Ang time of death niya ay around midnight ng Wednesday."